Ginang, umiiyak na inireklamo ang kanyang number 2; idol Raffy, nanermon

Ginang, umiiyak na inireklamo ang kanyang number 2; idol Raffy, nanermon

- Umiiyak na idinulog ng isang ginang ang kanyang dating karelasyon na nananakit at nagbabanta raw sa kanya

- Ngunit napag-alamang ang lalaki palang ito ay number 2 ni misis at may asawa talaga ito

- Hindi tuloy napigilan ni idol Raffy na sermonan ang ginang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umiiyak na idinulog ng ginang si Marites Donguines ang kanyang problema sa kanyang dating karelasyon na si Larry Escala sa programang Wanted sa Radyo.

Reklamo ni Donguines ang pangungulit ni Escala kahit pa tapos na ang kanilang relasyon.

Dagdag pa ng ginang, sinasaktan at pinagbabantaan din si siya ng lalaki at maging ang kanyang mga anak.

Depensa naman ni Escala, mahal na mahal lamang niya si Donguines at nagseselos lamang siya kung kaya niya nasasaktan ang babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dito na napag-alaman na may asawa pala si Donguines at nakarelasyon lang nito si Escala nang magkaroon sila ng problemang mag-asawa.

Hindi tuloy napigilan ni Raffy Tulfo na sermonan ang dalawa dahil sa pagkakamali naman pala nagsimula ang kanilang relasyon.

Inamin rin ni Donguines na pumunta pa rin siya sa bahay ni Escala noong naghiwalay sila dahil sa pakiusap ng pamilya nito.

Hindi rin ito nagustuhan ni idol Raffy at pinayuhan pa ang ginang.

Sa huli, nangako si Escala na hindi na niya muli pang guguluhin si Donguines.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Destroying Filipino Flag For 5k Pesos! By popular demand, we repeated our Independence Day social experiment – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel