Nakakatuwang 'parody' ng usapan nina Raffy Tulfo at anak ng naging yaya nito, viral din

Nakakatuwang 'parody' ng usapan nina Raffy Tulfo at anak ng naging yaya nito, viral din

- Nag-viral ang naging usapan nina Raffy Tulfo at anak ng naging yaya ng Tulfo brothers na si Nanay Rosa

- Ginawan ito ng ng nakakatawang parody ng isang netizen at pumatok din ito gaya ng orihinal na video

- Agaw-pansin ang video ng anak ni Nanay Rosa na si Jolly na kausap si Raffy Tulfo dahil sa tindi raw ng "panghihingi" nito sa dating inalagaan ng kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan ay nag-viral ang naging usapan nina Raffy Tulfo at si Jolly na anak ng naging yaya niya na si Nanay Rosa.

Dumulog si Nanay Rosa sa programang Raffy Tulfo in action sa kahilingang gusto niyang makita ang dating alaga.

Naging maayos naman ang pagkikita ng dalawa at biniyayaan din ni Tulfo si Nanay Rosa ng mga surpresa na kinatuwa naman ng dati niyang yaya.

Ngunit, ang mas naging agaw eksena sa social media ay ang pangungmusta ni Tulfo sa dating yaya ilang araw matapos ang kanilang muling pagkikita.

Doon, ang nakausap niya ay ang anak nitong si Jolly na nagpa-follow up ng mga hiling daw ng kanyang ina. Una na itong naibahagi ng KAMI.

Naging usap-usapan si Jolly dahil sa pagiging "demanding" na nito kay Idol Raffy.

Dahil dito, isang netizen ang nakaisip gumawa ng parody na pumatok din naman sa socmed sa nakakatawang paraan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Halos pareho ang mga hinihiling ng tunay na Jolly at sa lalaking gumaya sa kanya sa mga hinihingi at naiiba lamang sila sa rason.

Nagbilin din ito ng "Seiko 5" na relo, na ang binanggit naman ng lalaki ay "siko 5" na lalong kinatuwa ng mga netizens.

Sumasakto ang mga sagot ni sir Raffy sa edited video ng parody kaya naman humanga rin ang mga netizens sa husay ng pagkaka-edit nito.

Umabot na sa halos 153,000 views ang video sa loob lamang ng wala pang 24 oras.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check this out: Tricky Questions: Hugis Puso, Kulay Ginto, Mabango Kung Amuyin, Masarap Kainin| HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza sa Lucban

Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza sa Lucban

Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel