Lolang nabagsakan ng gumuhong pader, nakaligtas at nagdiwang pa ng kaarawan

Lolang nabagsakan ng gumuhong pader, nakaligtas at nagdiwang pa ng kaarawan

- Himalang nakaligtasang isang lola sa pagguho ng pader ng bahay nila dahil sa lindol

- Kaarawan pala ng matanda nang mismong araw ng trahedya kaya naman pinagdiwang pa rin ito ng kanilang pamilya

- Labis na nagpapasalamat ang mga mahal niya sa buhay dahil sa biyaya ng maituturing na ikalawang buhay ng kanilang pinakamamahal na lola

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang trahedya ang sumalubong sa kaarawan ng lola na si "nanay Lita" nang mabagsakan ito ng bahagi ng kanilang bahay dahil sa lindol.

Ayon sa Philippine Star, umaga nang mismong kaarawan ni nanay Lita nang yanigin sila ng magnitude 5.5 na lindol.

Nagdarasal daw noon ng rosaryo ang matanda nang bigla rin itong mabagsakan ng gumuhong pader ng kanyang kinaroroonan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nadala naman agad sa ospital si nanay Lita att dahil ika-80 kaarawan niya, di pa rin ito pinalampas ng mga nagmamahal sa kanya.

"Lahat po ay nakahanda na sa 80th birthday ni Nanay Lita at dahil ayaw namin malungkot ang birthday ni lola at makalimutan ang pangyayari, ginawa pa din namin lahat magpamilya na maging masaya ang kanyang kaarawan!” kwento ni Cheryll Henial Teves na siyang nag-upload ng mga larawan ng kanilang lola.

Labis ding nagpapasalamat ang pamilya ni nanay Lita dahil sa biniyayaan pa raw ito ng ikalawa niyang buhay.

Naniniwala silang dahil na rin sa tindi ng pananampalataya nila sa Diyos lalo na ni nanay Lita, at himala itong nakaligtas at di lubhang napahamak sa di inaasahang trahedya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check this out: Tricky Questions: Hugis Puso, Kulay Ginto, Mabango Kung Amuyin, Masarap Kainin| HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel