Batang baskebolista na naka-school shoes pag naglalaro, sinurpresa ng isang netizen

Batang baskebolista na naka-school shoes pag naglalaro, sinurpresa ng isang netizen

- Nag-viral ang larawan ng batang lalaki na naka-itim na school shoes sa paglalaro ng basketball

- Isang netizen ang nagmagandang loob na i-supresa ang bata ng sports shoes na maari niyang magamit kaysa ang school shoes niya

- Humanga raw ang netizen sa determinasyon ng bata kaya naisipan niyang bigyan ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan ay nag-viral ang larawan ng batang si Melvin Gascon dahil sa pagsusuot niya ng itim na sapatos niya sa paaralan sa kanilang basketball game.

Binahagi ito ng Facebook page na Jellyfam Basketball at mabilis itong umagaw ng atensyon sa social media.

Isa sa mga nakapansin kay Melvin ay ang netizen na si Lyndon Miclat na hayagan pang sinabi sa kanyang Facebook na hahanapin niya ang batang ito.

Aminado si Lyndon na bahagyang nahirapan siyang hanapin ang bata ngunit di niya ito sinukuan.

Nang masiguro niyang tamang bata ang kanyang nahanap, inalam niya bakit hindi ito naka-rubber shoes.

"Wala po kasing pambili ng sapatos si mama marami po kaming magkakapatid," ang nakakadurog ng pusong sagot ng batang basketbolista.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, lalong nabuo ang desisyon ni Lyndon na bilhan ng sapatos ang bata.

Nang maibili ito, agad niyang pinaalam kay Melvin.

Di man sila magkikita para personal na mai-abot ni Lyndon ang surpresa para sa bata, tuwang-tuwa naman ito dahil sa tulong na binigay ng taong di man niya kilala ngunit may malasakit para sa kanya.

Umani ng papuri si Lyndon sa ginawa niyang ito para kay Melvin.

Tunay nga naman na iba na ang nagagawa ng social media sa panahon ngayon. At sa sitwasyong ito, isang bata ang nabiyayaan ng regalo na bagaman at di niya inaasahan, nararapat naman lamang para sa kanya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check this out: Tricky Questions: Hugis Puso, Kulay Ginto, Mabango Kung Amuyin, Masarap Kainin| HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Walang pasok: Class suspensions for Wednesday, July 17, 2019

Walang pasok: Class suspensions for Wednesday, July 17, 2019

Walang pasok: Class suspensions for Wednesday, July 17, 2019
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel