Kathryn Bernardo, 'tinorture' ni Direk Cathy para magampanan ang pagiging OFW sa pelikula

Kathryn Bernardo, 'tinorture' ni Direk Cathy para magampanan ang pagiging OFW sa pelikula

- Ikinuwento ni Kathryn kung paano siya pinahirapan ni Direk Cathy sa pelikulang "Hello Love, Goodbye"

- Muntik nang sumuko sa paggawa ng pelikula dahil sobrang nahirapan na siya

- Pinagbawalan siya ng cellphone, pinagbawalang kausapin, to the point na gusto na niyang umuwi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing ang "Hello Love, Goodbye" na siguro ang pinaka-challenging na role ni Kathryn Bernardo dahil sa sobrang daming "paghihirap" ang dinanas niya.

Nalaman ng KAMI na "literally" pinahirapan siya ni Direk Cathy Garcia Molina upang nang sa ganun ay maramdaman niya kung ano ang hirap na dinadanas ng mga OFW.

Sabi ni Direk Cathy sa presscon ng pelikula, alam daw niyang hindi dumanas ng hirap si Kathryn kaya di rin puwedeng, i-acting lang niya ang pakiramdam ng isang OFW.

Ayon sa Abante, sinabi ni Kathryn na talagang kinumpiska ni Direk Cathy ang cellphone niya.

Pinagbawalan din ang lahat ng staff na kausapin si Kathryn. Sapat nang sabihin halos "maloka" na si Kathryn dun sa Hong Kong.

Dumating din sa point na umiiyak siya parati kay Daniel Padilla sa tuwing makakausap ito dahil hirap na talaga siya at gusto nang umuwi ng Pilipinas.

Pero si DJ, binigyan siya ng lakas na ipagpatuloy ang pelikula.

Sa kabila ng hirap, naitawid din ni Kath ang pelikula.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Buti na lang at dumating si DJ dun. Pero, pinag-antay muna siya ni Direk ng isang araw bago siya pinayagang makita si Kath.

Kahit na mahirap, alam ni Kath na ang lahat ng ginawa ni Direk ay para rin sa kanya.

Sa isang ulat ng KAMI, naging guest si Kathryn, kasama si Alden Richards, sa GMA morning show na Unang Hirit.

Si Kathryn Bernardo ay isang Filipino aktres. Kilala siya bing Teen Queen. Siya ang girlfriend ngayon ni Daniel Padilla.

POPULAR: Read more about Kathryn Bernardo

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga sa socmed

‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga sa socmed

‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel