Dimples Romana, isiniwalat kung paano nakuha ni Neil Arce ang sukat ng daliri ni Angel Locsin

Dimples Romana, isiniwalat kung paano nakuha ni Neil Arce ang sukat ng daliri ni Angel Locsin

- Ikinuwento ni Dimples Romana kung ano ang naging pre-engagement stage ni Neil Arce

- Malaki ang naging papel ni Dimples kung paano nakuha ni Neil ang tamang sukat ng daliri ni Angel

- Sabi ng aktres, may kinuntsaba siyang staff ni Angel kung kaya't napasakanya ang sukat ng daliri ni Gel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ni Angel Locsin si Dimples Romana.

Nalaman ng KAMI na napakalaki ng naitulong ni Dimples sa pagsasakatuparan ng engagement nina Angel Locsin at Neil Arce.

Sa Magandang Buhay, nang mag-guest si Dimples at si Beauty Gonzalez, ikinuwento ni Dimples kung ano ang nangyari bago pa yung aktwal na proposal ni Neil.

Kuwento niya, tinawagan daw siya ni Neil at sinabi sa kanya na magpo-propose na siya kay Angel.

Dito na napaiyak si Dimples sa tuwa dahil napakabuti raw ni Angel and deserve niya ang isang taong magmamahal at mag-aalaga sa kanya.

Ayon pa kay Dimples, tinulungan niya si Neil na makakuha ng sukat ng daliri ni Angel.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinuntsaba ni Dimples yung isang assistant ni Angel na dalhan siya ng singsing dahil papagawa raw siya ng "best friends forever" na mga singsing para sa kanilang dalawa.

Eto ang buong pahayag ni Dimples tungkol dito, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

"Friends kami ng mga assistant ni Gel so tinawagan ko. Sabi ko, 'Ate punta ka nga dito, dalhan mo nga ako ng singsing ni Gel kasi gagawan ko siya ng terno ring namin.' Sabi ko 'yung sa akin 'yung may 'bestfriends' sa kanya yung 'forever', 'bestfriends forever,'"

Si Dimples Romana ay isang Filipina aktres. Sobrang naging popular siya sa papel na Daniela Mondragon sa "Kadenang Ginto." Matalik siya na kaibigan ni Angel Locsin.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel