Food delivery man na isang oras na pinaghintay ng customer sa wala, dinagsa ng tulong

Food delivery man na isang oras na pinaghintay ng customer sa wala, dinagsa ng tulong

- Viral ang post ng nagmalasakit sa isang food delivery man na di sinipot ng kanyang customer

- Kaawa-awa raw talaga ang nanlumong lalaki dahil naka-30 na itong text at 20 na calls sa customer

- Marami ang naawa sa delivery man na nagtatrabaho ng maayos ngunit nagawa pang maloko kaya naman dinagsa raw ito ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang post tungkol sa isang food delivery man na isang oras pinaghintay ng kanyang customer sa wala.

Binahagi ng netizen na si Lian Pantallano ang nakapanlulumong panloloko ng isang customer sa food delivery man.

Receptionist si Lian sa isang ospital sa kung saan ide-deliver sana ng lalaki ang tatlong roasted chicken na order ng customer.

Humingi na ng tulong ang lalaki kay Lian sa pagbabaka-sakaling makikilala nila ang customer.

Kitang-kita raw ng receptionist kung paano i-text ng nasa 30 beses ng delivery man ang customer at sinubukan na rin niya itong tawagan ng nasa 20 beses.

Matapos ang nasa isang oras na paghihintay, walang nagawa ang driver kundi ang umalis na lamang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di na ito nalalayo sa pangyayari ilang araw lamang ang nakakaraan kung saan isang delivery man ang na-prank sa pag-order ng nasa ₱2,250 na halaga ng milk tea. Una na itong naibalita ng KAMI.

Samantala, binahagi raw ito ni Lian upang magsilbing araw sa mga tumatangkilik sa iba't-ibang naglipanang food delivery services.

Maging responsable raw sa pag-order at di basta mag-cancel dahil sa nagtatrabaho naman ng marangal ang mga delivery man.

Ayon sa Cebu daily news, sasadyain na ni Lian ang kompanya kung saan nagtatrabaho ang lalaki dahil mula nang mai-post niya ang kwento nito, wala pang 24 oras ay dinagsa na raw ito ng tulong.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga sa socmed

‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga sa socmed

‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel