Nobyo, sinurpresa ang GF ng isang bongga at kakaibang wedding proposal

Nobyo, sinurpresa ang GF ng isang bongga at kakaibang wedding proposal

- Kakaiba ang naisip na konsepto ni Jaz Mendros para sa wedding proposal niya sa nobyang si Karen Joy Macaballug

- Ginanap pa ito sa isang mall kung saan nagkaroon pa ng 'dance mob' na kasama ang nobyo

- Nagmistulang isang nakakakilig na palabas ang proposal na maging ang mga mall-goers ay kinilig at naging emosyonal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang kakaiba at bonggang wedding proposal ni Jaz Mendros sa nobya niya sa loob ng 10 taon na si Karen Joy Macaballug.

Binahagi ng Philip Cuison Photography sa Facebook ang wedding proposal ni Jaz na ginanap sa isang mall sa Davao.

Sa umpisa'y aakalaing nag-iikot lamang sa Abreeza mall ang dalawa malapit sa activity area nang unti-unting dumami ang mga tao at bigla na lamang nagsayaw.

Nanonood ang dalawa nang biglang pinasali si Jaz.

Makikita ang reaksyon ni Karen na gulat na gulat sa bawat pangyayari.

Matapos ang dance mob, dinala pa ni Jaz ang nobya sa stage ng activity area ng mall.

Doon, binagsak ang malaking tarpaulin na may nakasulat na "Will you marry me?"

Di naman nabigo si Jaz sa matamis na oo ng nobyang walang pagsidlan ng kaligayahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang mga kaibigan nila at mga mahal sa buhay ay naroon sa proposal at labis siyang nasiyahan na hinanda ni Jaz para kay Karen.

Malaki rin ang pasasalamat ng mga magulang ni Karen kay Jaz at nanatili ito sa piling ng kanilang anak sa loob ng 10 taon at ngayon ay sa pagtahak nila ng panibagong yugto ng buhay bilang mag-asawa.

Ayon pa kay Jaz, alam niya na ito ang tamang panahon upang malagay na sila sa tahimik ng pinakamamahal niyang si Karen.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel