Ginang, naging nobyo ang mag-BFF na pulis! Anak niya ipapa-DNA ni Raffy Tulfo

Ginang, naging nobyo ang mag-BFF na pulis! Anak niya ipapa-DNA ni Raffy Tulfo

-Inireklamo ng isang ginang ang dati niyang kinakasama na isang pulis matapos nitong tangayin ang kanyang aircon

-Ngunit napag-alamang mayroon pa palang ibang isyu ang dalawa tungkol sa kanilang anak na nag-negative daw ang DNA sa inerereklamong pulis

-Ikinawindang din ng netizens kung bakit kasama ng ginang ang ex-BF niya na dati ding tropa ng pulis na inirereklamo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil sa tinangay na aircon kung kaya lumapit ang ginang na si Jacqueline Capulong sa programang Wanted sa Radyo.

Reklamo nito, kinuha umano ng kanyang dating kinakasama na si Master Sergeant Jonathan Jupia ang kanyang pag-aaring aircon.

Kaya naman nais sana niya itong mabawi mula rito at para na rin humingi ng sustento para sa kanilang mga anak.

Ngunit mas lumalim pa ang istorya dahil sa kasama ng ginang, ang kanyang dating nobyo at dati namang bestfriend ni Jupia na hindi inilantad ang pagkakakilanlan.

Napag-alamang "sinulot" pala ni Jupia si Jacqueline mula dito kahit pa sila ay magkaibigang matalik, batay na rin sa kwento ng mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pero ang mas ikinawindang ni idol Raffy ay nang sabihin ni Jacqueline na nag-negative ang DNA test ni Jupia sa kanyang anak.

Upang mas malinawan at para na rin sa kapakanan ng bata ay nag-alok si Tulfo na ipa-DNA muli ang bata na pinayagan naman ng ginang.

Kumontak din si idol Raffy ng mga awtoridad na makakatulong kay Jacqueline para mabawi ang kanyang aircon.

Hindi naman nakapanayam ng programa ang inirereklamong pulis.

Nais iparating ng KAMI na bukas po kami para pakinggan ang panig ni Master Sergeant Jupia.

Narito ang buong istorya mula sa Youtube channel ng Raffy Tulfo in Action:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Spiderman: Far From Home is finally premiering next week! We, at Human Meter, couldn't wait and decided to bring some Spidey vibes into the streets of Philippines. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel