Dalagitang nilayasan si tita dahil 'di pinayagan mag-BF, pinauwi ni idol Raffy

Dalagitang nilayasan si tita dahil 'di pinayagan mag-BF, pinauwi ni idol Raffy

- Mahinahong kinausap ni Raffy Tulfo ang isang dalagita na lumayas sa poder ng kanyang tita

- Ayon sa tiyahin, matigas ang ulo ng kanyang pamangkin na maagang nakipagrelasyon

- Inireklamo rin nito ang nobyo ng pamangkin na 19-anyos na diumano'y palaging sumusundo sa kanyang menor de edad na pamangkin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mangiyak-ngiyak na idinulog ni Lalyn Sotto sa programang Wanted sa Radyo ang problema niya sa kanyang pamangkin na lumayas daw sa kanyang poder dahil sa nobyo nito.

Giit nito, nais sana niya at ng mga magulang ng 15-anyos na pamangkin na makulong ang lalaki na 19-anyos na.

Reklamo pa ni Lalyn, palagi umanong sinusundo ng binata na si Alex ang kanyang pamangkin.

Napag-alamang parehong nagta-trabaho sa ibang bansa ang mga magulang ng dalagita kung kaya si Lalyn ang tumatayong guardian nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang makausap naman ni Raffy Tulfo ang dalagita na si Judy Ann (hindi niya tunay na pangalan), maayos na ipinaliwanag ni idol ang magiging sitwasyon kung sakali na ipagpatuloy nito ang pakikipagrelasyon kay Alex.

Sabi naman ni Judy Ann, hiwalay na sila ng lalaki.

Nangako naman ito na uuwi na sa kanilang tahanan at makikipag-usap na sa kanyang tiyahin.

Nakipagkasundo na rin ito na hindi na muna makikipag-nobyo hanggang sa nasa tamang edad na siya.

Nangako naman si idol Raffy na tutulungan si Lalyn kung sakaling guluhin pa ni Alex ang kanyang pamangkin.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Spiderman: Far From Home is finally premiering next week! We, at Human Meter, couldn't wait and decided to bring some Spidey vibes into the streets of Philippines. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel