Bugtungan sa klase, nauwi sa matinding 'hugot' ng isang estudyante

Bugtungan sa klase, nauwi sa matinding 'hugot' ng isang estudyante

- Viral ang video ng isang klase na nagbubugtungan

- Marami ang natuwa sa sagot ng isang estudyante sa bugtong na nauwi sa isang matinding 'hugot'

- Naaliw ang mga netizens dahil sa marami ang naka-relate sa sagot ng binatilyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa maiksing video ng bugtungan sa isang klase.

Binahagi ito sa KaBagang TV na orihinal namang post ni Maeden Azarias Madrideios.

Unang tinanong ng guro kung ano ang sinsabing "buto't balat, lumilipad." Sumagot naman ang isang estudyante ng "saranggola"

Ngunit ang pangalawang tanong at mas lalong nagpa-ingay sa klase.

Tinanong kasi ng guro kung ano ang bagay na "kay lapit na ngunit di pa rin nakikita."

Isang binatilyo ang halos mabali ang braso sa pagtaas ng kamay at nang tawagin ng guro, agad niyang sinagot ang "halaga ko po."

Lalong nagkagulo at lumakas ang kantsawan sa klase dahil sa di nila inaasahang sagot ng kaklase.

Dahil dito, sobrang naaliw naman ang mga netizens na karamihan at naka-relate daw sa hugot ng binatilyo sa video.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Aray ko naman koyah, nasapul mo!"
"Crush, eto para sayo"
"Sa lahat ng napanood ko na hugot, dito ako tinamaan"
"Ang shakit naman besh, di mo kasi nakikita ang halaga ko"
"Haha, di ko ineexpect na yung ang sagot nung student ah..."

Nasa 649,747 na ang views ng video at mayroon na rin itong 44,000 reactions, 977 Comments at 40K (na) pagbabahagi.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga

‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga

‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel