For sale na bahay sa Tagaytay, may free na mamahaling sports car

For sale na bahay sa Tagaytay, may free na mamahaling sports car

-Agaw-pansin ang isang mamahaling bahay sa Tagaytay na ibinebenta online ng may-ari nito

-Bukod kasi sa moderno at magandang arkitektura ay mayroon pang freebie na mamahaling sports car

-Marami na ang nagpakita ng interes sa bahay lalo pa at limited edition ang kotse na kasama nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang mapapa-wow ka sa ganda ng isang bahay sa Tagaytay na ibinebenta na ng may-ari nito.

Agaw-pansin pa ito dahil isang limited edition na Mustang GT sports car lang naman ang freebie nito.

Pero hindi rin biro ang presyo nito dahil tumataginting na P38 million ang presyong naka-post dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Marami na ang nagpakita ng interes sa bahay na mayroong 297 square meters na floor area at 485 square meters na lot area.

Bukod sa moderno at napakagandang arkitektura nito ay mayroon pa itong 180 degrees panoramic view ng Taal Lake ayon sa Facebook page na The Staycationist.

Nang matanong naman kung bakit ito ibinebenta ng may-ari, ayon sa uploader ay marami nang bahay ang may-ari nito at hindi na natitirahan ang bahay sa Tagaytay.

Samantala, ang mamahaling sasakyan naman na freebie nito ay sinasabing dalawa lamang sa buong Asya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Spiderman: Far From Home is finally premiering next week! We, at Human Meter, couldn't wait and decided to bring some Spidey vibes into the streets of Philippines. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation

Anak, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation

Anak na nagtapos, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel