Ilang motorista, napalabas ng sasakyan dahil sa "pag-ulan ng pera"

Ilang motorista, napalabas ng sasakyan dahil sa "pag-ulan ng pera"

- Kumalat ang pera mula sa nabuksang umaandar na armored vehicle

- Di na nila napigilan pa ang pagkalat na nagmukha tuloy umulan ng pera

- Mapapansing maraming napahinto na mga sasakyan at nagsilabasan ang mga sakay nito na namulot ng mga kumalat na pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagmistulang umulan ng pera sa Atlanta Highway in Georgia, USA dahil sa aksidenteng pagkakabukas ng pintuan ng isang armored vehicle.

Makikita sa video na binahagi ng Philippine Star mula sa Reddit user Tribat, maraming napahintong mga sasakyan upang mamulot ng mga nagkalat na pera.

Ayon sa ABC news tinatayang nasa $175,000 o manumbas ₱8 milyong piso ang nalipad na hangin mula sa sasakyan.

Kaya naman makikitang sandamakmak na perang papel ang nagkalat sa daan at di naman pinalampas ng mga dumaraan doon.

Samantala, umani naman ito ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga Pinoy netizens dahil maari raw maging iba ang senaryo kung dito nangyari ang "pag-ulan ng pera" sa ating bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ay pramis kung dito yan, may mag-aaway pa dyan"
"Kalmado silang namumulot ng pera, ibubulsa na kaya nila yan o isasauli pa?"
"Hala, baka may cctv diyan, galingan ang pagkuha"
"Ang swerte naman ng mga yan, biruin mo dadaan lang para na siyang nanalo sa Wowowin"
"Sana dito rin ganyan, kaso for sure, magtatrafik at magkakagulo pa ang mga tao kung sakali man"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel