Video ng boarding gate slide experience, mahigit 50 million views na

Video ng boarding gate slide experience, mahigit 50 million views na

- Viral ang video ng pharmacist na sumubok sa boarding gate slide ng Changi airport sa Singapore

- Bagaman at 2017 pa naman nang magkaroon ng boarding gate slide na ito, ngayon lamang napansin muli ng mga netizens dahil sa viral video

- Habang ang iba ay nagbahagi ng kanilang karanasan sa naturang slide sa boarding gate, mas marami naman ang nagpahayag na sana raw ay maranasan nilang dumaan dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng pharmacist na si Yusuf El Askary ang kanyang naging karanasan sa pag-slide sa boarding gate sa terminal 4 ng Changi airport, Singapore.

Naka-post ang video sa UNILAD adventure Facebook page at talaga namang maraming humanga sa kakaibang boarding gate na ito.

Bagaman at noong 2017 pa ang naturang slide, tila ngayon lamang ito napansin nang husto dahil sa detalyadong pagpapakita ng 28-anyos na pharmacist kung paano makadaan sa boarding gate.

Ayon sa panayam kay Yusuf ng The Daily Mail, nai-kwento niyang labis siyang namangha sa kanyang naging karanasan at di niya inakalang mayroon talagang ganoong klaseng boarding gate.

“I had never seen anything like it at an airport — I couldn’t believe it was true until I actually tried it!“ kwento ni Yusuf.

Samantala, di rin napigilan ng ilang netizens na ibahagi ang kanila mismong naging karanasan sa boarding gate slide na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"This airport is special, best I have ever been to, fantastic shopping and bars, just love it and Singapore is fantastic."
"Tried it twice, but will still be coming bach there"
"It's the kid in me that really enjoyed the slide"

Karamihan naman nang nakapanood ng video ay na-intriga at nagsabing nais nilang makapunta ng Singapore at maranasan ito. Narito ang kanilang mga komento:

"Screw elevators and escalators this is freaking awesome"
"I want to go there, just for that lol. How many times can you check in lol ?"
"For when the kid within wants to come out and play..."
"Never mind the kids....I’m having a go of this"

Sa loob ng ilang araw, umabot na sa mahigit 50 million views, 221,000 reactions at mahigit 58,000 na shares ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation

Anak, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation

Anak na nagtapos, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel