Senator Bong Revilla, sinorpresa ang nanay ng isa sa kanyang fan

Senator Bong Revilla, sinorpresa ang nanay ng isa sa kanyang fan

- Ibinahagi ni Senator Bong Revilla ang kanyang pasasalamat sa isang fan na nakilala daw nito noong siya nakakulong

- Anito, nangako daw siya sa tagahanga na isang OFW na dadalawin niya ang nanay nito sa Batangas

- Kaya naman personal na binisita ng senador ang ginang sa kanyang kaarawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. ang isa sa kanyang 'di nakalimutang pangako sa isang tagahanga.

Ayon sa senador, habang siya ay nakakulong, nakilala niya ang isa sa kanyang masusugid na tagahanga na isang overseas Filipino worker (OFW) sa Spain na si Helen Valencia.

"Noong ako ay naka-detain sa Crame, nakilala ko si Helen Valencia, isang OFW sa Spain, na maituturing kong isa sa aking mga loyal and diehard supporters."

Kwento ni Revilla sa kanyang FB post, nangako raw siya kay Valencia na dadalawin ang nanay nito na nasa Batangas kapag siya ay nakalaya na.

Kaya naman nang magdiwang ng kaarawan ang ginang ay personal itong binisita ni Senator Bong para batiin sa kanyang kaarawan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Nangako ako sa kanya na sa paglabas ko ay dadalawin ko ang kanyang nanay sa Batangas. Kaya naman, personal kong binati at binigyan ng regalo si Nanay Nene na nagdiwang ng kanyang kaarawan."

Nagpasalamat din ang senador at aktor sa patuloy na suporta nito at ng pamilya nito sa kanya.

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, dumalo sa binyag ng kanilang apo si Bong kasama ang misis na si Lani.

Si Bong Revilla ay kasal sa kapwa-aktor na si Lani Mercado na isa na ring politician at mayroon silang anim na anak.

Taong 2018 nang mag-file na kanyang kandidatura sa pagka-senador si Bong sa ilalim ng political coalition na Hugpong ng Pagbabago ni Presidential daughter Sara Duterte.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel