Dalaga, tumakas sa tatay na ipinapakasal siya sa lalaking 'di niya gusto

Dalaga, tumakas sa tatay na ipinapakasal siya sa lalaking 'di niya gusto

-Hindi pa daw handang magpakasal ang isang dalaga na humingi ng tulong kay Raffy Tulfo

-Sa programang Wanted sa Radyo, idinulog ng dalaga ang kanyang problema sa tatay na ipinapakasal siya sa lalaking 'di niya gusto

-Agad namang dumating ang tatay nito sa tanggapan ng programa matapos itong tawagan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umiiyak na dumulog sa programang Wanted sa Radyo ang dalagang si Saimah Alim Alanto, isang Muslim, para humingi ng tulong.

Inireklamo nito ang sariling tatay na pilit umano siyang ipinapakasal sa lalaking hindi niya gusto.

Giit pa ng dalaga, sinaktan din umano siya ng kanyang ama nang sapilitan siyang iuwi sa kanilang tahanan.

Ayon naman kay Raffy Tulfo, bagamat iginagalang niya ang kultura ng mga Muslim, hindi nito hahayaan na labagin naman ng mga ito ang batas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit nang makausap naman ang inirereklamong tatay na si Yasser Alanto, sinabi nitong handa naman siyang ikansela ang kasal alang-alang sa anak.

Hiling lamang nito na huwag tuluyang sumama ang anak sa babaeng nagtakas daw dito.

Depensa naman ni Saimah, kusa siyang sumama sa babaeng kasama nito na una nitong ipinakilalang pinsan, itinaggi naman ito ni Yasser.

Tila nagtampo pa si Yasser sa anak na diumano'y hindi man lamang sila naalala. Itinanggi rin ito ni Saimah.

Dito na napag-alaman na hindi pala lumaki sa poder ni Yasser ang anak.

Sa tulong ng programa ay nagkapaliwanagan ang mag-ama at nagkasundo na hindi na matutuloy ang kasal ni Saimah.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Former teen actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation

Former teen actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation

Former actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel