Suspek na nagtatago sa mga pulis, arestado dahil sa "utot"

Suspek na nagtatago sa mga pulis, arestado dahil sa "utot"

-Hindi sinasadyang nahuli ang isang lalaking suspek matapos itong ibuking ng kanyang sariling katawan

-Ayon sa reports, aarestuhin sana ang suspek ng mga pulis ngunit nagtago ito

-Kasalukuyan nang hawak ng mga pulis ang lalaki na itinago muna ang pagkakakilanlan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi inaasahan ng mga awtoridad na dahil lamang sa "utot" ay mahuhuli nila ang isang suspek sa Missouri na nagtatago sa kanila.

Ayon sa report ng Insider, aarestuhin sana ito ng mga pulis ngunit pinagtaguan nito ang mga awtoridad.

Pero bago pa nito tuluyang matakasan ang batas ay "ibinuking" na ito ng sariling katawan!

"If you've got a felony warrant for your arrest, the cops are looking for you and you pass gas so loud it gives up your hiding spot, you're definitely having a [poop emoji] day," ayon sa Facebook post ng Sheriff ng Clay County, Missouri.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinasalamatan ng Sheriff sa Twitter ang mga Liberty police na nakahuli sa suspek.

Agad namang sumagot ang Liberty police sa tweet nito.

"Thanks to @SheriffClayCo for airing out a wanted person's dirty laundry and fanning the flames. The Liberty Police Department was surprised to see this incident slip out, which stinks for the arrestee. Fortunately, no one was injured during his arrest."

Naglabas ng warrant of arrest para sa suepek dahil sa kasong Possession of a Controlled Substance.

Hindi na muna nagbigay ng iba pang impormasyon tungkol sa suspek ang mga awtoridad.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Spiderman: Far From Home is finally premiering next week! We, at Human Meter, couldn't wait and decided to bring some Spidey vibes into the streets of Philippines. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng asong nilalambing ang among umiiyak, nag-viral

Video ng asong nilalambing ang among umiiyak, nag-viral

Video ng asong nilalambing ang among umiiyak, viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel