Nurse na pauwi sa Pinas, tinulungan ang isang ginang na nanganak sa eroplano

Nurse na pauwi sa Pinas, tinulungan ang isang ginang na nanganak sa eroplano

- Pauwi sa Pinas mula sa Qatar ang isang nurse nang 'di inaasahang may manganak na kapwa niya pasahero sa eroplano

- Hindi naman ito nag-atubiling tumulong gamit ang mga first-aid kit at mga improvised na gamit

- Sa kabutihang-palad ay wala naman naiulat na masamang nangyari sa mag-ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sakay ng isang eroplano pauwi sa Pilipinas mula sa Doha, Qatar ang Pinoy nurse na si Francis Dominic Mendoza nang 'di inaasahang may manganak na kapwa niya pasahero sa eroplano.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nasa bandang Thailand na sila nang bigla na lamang mag-labor ang ginang sa loob ng eroplano.

Hindi naman nag-atubiling tumulong si Mendoza gamit ang first aid at ilang improvised na gamit.

Katulong nito ang ilan sa mga Pinoy na naroon sa pagpapaanak sa ginang.

Nag-emergency landing naman ang eroplano sa Bangkok para sa mabigyan ng medical attention ang mag-ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na mula sa Bacolod si Mendoza at kasalukuyang nursing staff sa Ireland.

Umani naman ng papuri si Mendoza mula sa mga netizens.

"Thank you sir Francis! And thank you Lord for the Grace of life of the newly born baby and life of Mommy! God bless to all who done help! Muah!"

"Good deed and good job sir.. Gid bless u."

"Good job thank you for your good heart.God Bless you both."

"The Philippines need u. Thanks for inspiring. Proud bacolodnon."

"Filipinos are very proud of you.God bless you more."

"Ang ganda ng ipinakitang pagtulong ng nurse na yan...good job sir.sana marami pang mga nurse na katulad mo,hindi nag aatubiling tumulong sa mga nangangailangan.May the Lord God Blessed you always and so with your family."

"God bless you, Thanks for helping our Kababayan. I admired you Nurse."

Samantala, sa isang artikulo ng KAMI, una nang naiulat ang isa namang bagong doktor na agad na napasabak sa pagpapaanak sa back seat ng isang kotse!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na nagtapos, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation

Anak na nagtapos, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation

Anak na nagtapos, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel