Viral! Mister, may payo para sa mga lalaking "takusa" kay misis

Viral! Mister, may payo para sa mga lalaking "takusa" kay misis

- Umabot sa halos dalawang milyon ang views sa social media ng video ng isang lalaking hindi daw takot kay misis

- Kaya naman may payo ito para sa mga mister na "takusa" raw sa kanilang kumander

- Umani naman ito ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bentang-benta sa mga netizens ang isang viral video ng Youtuber na si James Calvin Jibril Boston na umabot na nga sa halos dalawang milyon ang views sa social media.

Sa kanyang video kasi, nagbigay ito ng payo sa mga mister na anito'y "takusa" o takot sa asawa.

Mukhang marami ang "relate-much" kay kuya dahil umabot na rin sa libo-libo ang reactions at shares nito sa Facebook.

Sa video kasi, makikita si Boston na tila siga at hindi raw takot sa asawa. Payo pa nito, huwag magpa-api sa mga misis.

Ngunit sa huli pala ay maglalaba ito dahil "ayaw" daw maglaba ng kanyang misis.

"Kayong mga lalake na may asawa, wag kayong magpapa api sa mga misis nyo. Wag na wag!" anito sa kanyang Facebook caption.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umani naman ito ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens:

"Very good Boss."

"Pre s bahay ako talaga ang batas st hari.. ang problema ko lang ay anito ang napangasawa ko."

"Yung gantong lalaki mukhang tarantado pero mapagmahal sa pamilya keep them, kesa sa mga guapo pero nanggugulpi ng asawa di pa maasahan,"

"Yan ang totoong matcho.. Matchonurin,"

"Pag ganto na nga hiwalay na! Dami pa satsat hiwalay kaagad ang Puti sa de color na damit okay!? ILOVEYOUHON."

"Ako yata Hindi ko maatim aswa ko maglaba, puwede lng yun kung bagong panganak ako."

"Yung nakaka bwesit pa dun utusan kang bumili nang whisper with wings nang misis mo relate ako dun kaka inis pa asarin kapa nang tindera hayup na yan."

Narito ang video mula sa Facebook page na Sadvibes:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza sa Lucban

Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza sa Lucban

Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel