Bumbero, inireklamo ang GF na OFW na nagpakalat ng kanyang "maiinit" na larawan

Bumbero, inireklamo ang GF na OFW na nagpakalat ng kanyang "maiinit" na larawan

-Hindi na kinaya ng isang bumbero ang kahihiyan matapos ikalat ng kanyang nobyang OFW ang kanyang malalaswang larawan at videos

-Kaya naman idinulog na niya ang problema kay Raffy Tulfo

-Ngunit hindi na nila ma-contact ang OFW na kasalukuyang nasa Qatar, binalaan naman ito ni idol Raffy kaugnay ng kasong haharapin nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumaranas ng matinding kahihiyan ang bumbero na si Mar Pastores, 41-anyos, mula sa Apayao.

Ito ay matapos ikalat ng kanyang nobyang si Luzarda Catriz ang kanyang mga hubad na larawan at videos gamit ang isang pekeng Facebook account na nakapangalan kay Pastores.

Kaya naman idinulog na niya ang kanyang hinaing sa programang Aksyon kung saan personal niyang nakausap si Raffy Tulfo.

Reklamo nito, galit na sa kanya ang kanyang pamilya at maging ang ilan sa kanyang mga kasamahan sa trabaho ay nag-iba na daw ang impresyon sa kanya dahil sa isyu.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang tanungin naman ito kung may nagawa itong mali para magalit ng husto ang nobya, sinabi nitong dahil sa selos kaya ito nagawa sa kanya ni Catriz.

Pag-amin ng bumbero, may mga pagkakataong may naiiangkas siyang babae sa kanyang motor ngunit sinabi nitong ito ay dahil sa pagmamagandang-loob lamang.

Pero tila minasama ito ni Catriz at nilamon ng selos.

Sinuguro naman ni Pastores na wala siyang anumang hiningi sa OFW maliban sa iniregalo nitong t-shirt at P5,000 na ipinilit nitong ipadala sa kanya noon.

Bagamat minahal daw niya ang babae, hindi na daw niya kaya pang ipagpatuloy ang relasyon dito.

Samantala, nang tawagan naman ang OFW ng programa ay hindi na nila ito ma-contact. Kaya naman sa pamamagitan ng programa ay nanawagan na rito si Pastores.

Binalaan rin ito ni idol Raffy na burahin na ang mga ikinalat nitong malalaswang larawan ni Pastores upang makaiwas sa kasong posible nitong harapin kapag sinampahan ito ng kaso ng complainant.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel