Viral cover ng "Kung ayaw mo na", pinagkaguluhan ng netizens

Viral cover ng "Kung ayaw mo na", pinagkaguluhan ng netizens

- Umabot na sa mahigit `1.1 million views ang cover ng babaeng ito sa kanta ng This Band na "Kung ayaw mo na"

- Aliw na aliw ang mga netizens sa babae at kaya raw ng karamihan sa kanila na ulit-ulitin pa ang version ng babaeng ito

- Hanga naman ang iba sa lakas ng loob ng babaeng ito at sa pagbabahagi niya ng kanyang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing pinagkaguluhan ang video cover ng isang babae sa kanta ng bandang This Band na "Kung ayaw mo na."

Sa video na binahagi ng Kolokoy Entertainment Radio, mapapanood at mapapakinggan ang bersyon ng babae na lakas loob niyang binahagi.

May caption pa ang post na "Galing! Parang yung original talaga..." kaya naman mas lalong na-intriga ang mga netizens.

Tuwang-tuwa ang mga nakapanood nito at ang iba pa nga ay nagsabi na kung sila ay nalulungkot, ito lamang ang panonoorin niya at tiyak sasaya na sila.

Di mapigilan ng mga netizens na ibahagi ang mga kakatwang opinyon nila tungkol sa cover ng babaeng di napangalanan sa ulat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Parang nagunaw ang mundo ko ng marinig ang himig mo. Pinakabagong tono at nakakamangha. Ikaw na!"
"Grabehhh gandahhhh ng boses..iyan ang may self confidence ika nga...tapos iyan malakas ang loob na maikalat ang napakagandang boses sa soc med"
"napaka ganda, ang ekspresyon ng iyong mukha ang nagbbigay ng emosyon sa aming mga manunuod, napakahusay! isa ka ng ganap na manunula"
"Ito mga gusto nila vice, moira at james reid. Yung kakaibang boses. "May voice ka, Its a Yes for me!
"Ang galing nyang maglagay ng twist sa kanta, tapos yung render ng voice nya may kakaiba e na parang anlamig, anlambing so see you sa next round"
"Kakaiba sya pwede sya imbitahan pg my pasyon"

Umabot na sa mahigit 1.1 million ang views ng viral video na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel