Babae, halos himatayin sa gimik ng nobyo para sa kanyang wedding proposal

Babae, halos himatayin sa gimik ng nobyo para sa kanyang wedding proposal

- Viral ang kakaibang gimik ng nobyo para sa wedding proposal niya sa nobya

- Inakala kasi ng babae na may di magandang nangyari sa kasintahan

- Umani ng samu't-saring reaksyon ang wedding proposal na ito at mabuti na lamang daw na napasagot pa rin ng lalaki ang kanyang nobya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos himatayin ang isang babae dahil sa kakaibang wedding proposal ng kanyang nobyo.

Sa video na binahagi ng Pinoy Viral Cover, makikita ang isang babaeng halos magwala na habang papatakbo patungo sa lalaking nakahiga sa talahiban.

Iyon pala ang kanyang nobyo na nagkunwaring naaksidente dahil siya ay nagmamaneho ng motor.

Ngunit dahil sa halos himatayin na ang babae sa labis na pag-iiyak, agad na bumangon ang nobyo upang kalmahin ito.

Di nagtagal, inabot na niya ang bulaklak sa nobya na patuloy pa rin sa pag-iyak.

Nang kumalma, nilabas na niya ang singsing saka lumuhod.

Sa kabila ng makapigil hiningang pangyayari. nakuha pa rin ng lalaki ang matamis na oo ng kanyang nobya.

Samantala, maging ang mga netizens ay di raw naiwasang maloka sa kakaibang wedding proposal na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang samu't-saring reaksyon nila sa pangyayari

"Naku, kung sakin to baka di ako mag-yes"
"Stupid d maganda kung mag propose d mag propose ng maayos d yong halos atakihin yong babae nakakabwesit"
"Sa totoo lng d to nkakatuwa."
"Palala na ng palala ang tao.malayo na sa normal na kaisipan ang nagagawa para lang mapansin.at may ma i post sa social media.."
"kung may sakit sa puso ang babae mauuna sa libingan,npka hard,ang dami pwede gawin na sorpresa hwag sa ganitong paraan hndi nkakatuwa"

Umabot na mahigit 250,000 views ang nakakawindang na video na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga sa socmed

‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga sa socmed

‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel