"Amalayer" girl, nagkwento ng pinagdaanan niya matapos mag-viral 7 years ago

"Amalayer" girl, nagkwento ng pinagdaanan niya matapos mag-viral 7 years ago

- Naluha pa rin ang tinaguriang "Amalayer" girl habang ibinabahagi ang mga pinagdaanan matapos mag-viral noon

- Pitong taon na ang nakakalipas ngunit tanda pa rin nito ang sakit na idinulot ng insidente

- Sa isang panayam, ibinahagi nito ang kwento sa likod ng kanyang viral video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Makalipas ang pitong taon matapos mag-viral sa social media ang tinaguriang "Amalayer" girl na si Paula Salvosa, ibinahagi nito ang kwento sa likod ng kumalat na video niya habang sinisigawan ang isang lady guard.

Sa Facebook page na John Denver Trending, nagpaunlak ng panayam si Salvosa.

Anito, malaki ang naging pagbabago sa kanyang buhay simula nang mangyari ang insidente sa LRT.

“Simula ng araw na ‘yun, hindi na ako nakatulog nang maayos,” kwento nito. “So for two months hindi ako nakakatulog nang maayos… bumagsak ako ng mga hanggang 80 pounds. From 90 plus to 80 pounds,”

“I tried pumasok for like a day pero hindi ko kaya… nakatingin ‘yung mga tao tapos tatawanan ka nila.” naiiyak pa nitong sabi.

Hanggang sa paghahanap ng trabaho ay apektado rin daw si Salvosa ng insidente.

“Every time I applied for a job, napapasa ko lahat ng exams, ng interviews. Pero every time pagdating ng final interview, ang sasabihin lang nila, ‘Di ba ikaw ‘yung nasa viral video?’ That’s the time they’re going to tell me na, ‘Okay we’ll just call you back.’”

Ngunit ang pinakamasakit daw para sa kanya ay mismong ilan sa kanyang mga kaibigan ang nagsabi na dapat lang sa kanya ang ma-bully.

Hindi rin kinaya ng dalaga ang hirap na pinagdaanan ng kanyang pamilya na nadamay na rin sa insidente.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Sabi ko pa kay Papa noon, ‘Puwede ba akong pumunta sa malayong, malayong, malayong lugar, ‘yung walang nakakakilala sa akin? Tapos puwede ba tayong bumili ng pangalan?’”

“Kasi nahihiya na ako sa pamilya ko, the disgrace that I brought to my family. Na parang they don’t deserve [na] ‘yung pangalan nila nasa tabloid. I didn’t really want to drag them. Kaya ‘yun ‘yung iniisip ko." anito.

Pag-amin pa nito, nagkaroon daw siya ng panic attacks at kinailangang sumailalim sa therapy.

Sa kabila nito, may iilan naman daw na nagpakita ng suporta sa kanya. Doon siya nagsimula upang mabawi ang kanyang sarili.

Natutunan din daw niyang tanggapin ang sakit at magsimula muli.

nang tanungin naman ito kung ano ang kanyang natutunan matapos ang mapait na pangyayari sa kanyang buhay, sinabi nitong:

“Don’t allow it to define you – because their words against you, they will never define you. And find your inner circle, your solid support system."

“Let’s not strip off those people na nagba-viral of chances, ‘wag nating tanggalan ng pagiging tao. Hindi lang sila basta news, tao rin kami. May nararamdaman din kami. May mali kami pero I do think everybody deserves a second chance because nobody is beyond redemption,”

Masaya ring ibinahagi ni Salvosa na nagkaroon siya ng tsansa na makausap at makahingi ng tawad sa lady guard na kanyang nakasagutan.

Anito, may mga pagkakatong nagpapalitan sila ng mensahe at masaya siya para rito nang malamang maayos ang buhay nito.

Dati nang itinampok sa Maalala Mo Kaya sa dos ang kanyang kwento na ginampanan ni Angeline Quinto.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dimples Romana, humingi ng sorry kay Boy Abunda

Dimples Romana, humingi ng sorry kay Boy Abunda

Dimples Romana, humingi ng sorry kay Boy Abunda
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel