Pinay OFW, sinurpresa ng amo ng isang bonggang birthday celebration

Pinay OFW, sinurpresa ng amo ng isang bonggang birthday celebration

- Maswerte ang Pinay OFW na ito na sinurpresa pa ng amo ng isang selebrasyon para sa kanyang kaarawan

- Di niya alam, inimbita pa ng amo ang kanyang mga kaibigan

- Marami ang pumuri sa ginawa na ito ng amo na sadyang bibihira na mangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing mapalad sa amo ang OFW na may Facebok name na Leaño Az Yhang.

Sa kanya kasing kaarawan, sinurpresa siya nito ng isang di malilimutang selebrasyon.

Binahagi niya ang video nito sa Facebook page na OFW KAMI sa GITNANG SILANGAN (KAPIT-BISIG) ll at makikitang wala talagang alam ang Pinay sa mga pangyayari.

Inakala lang niya na sinama siya ng amo para kumain sa labas.

Laking gulat niya nang makita ang kanyang mga kaibigan na naroon din sa lugar.

Iyon pala, inimbita ang mga ito ng kanyang amo para mas lalong maging espesyal ang kanyang kaarawan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sadyang mababait daw ang kanyang mga amo. Napalapit na rin ang loob ng Pinay sa mga ito.

Katunayan, nagdesisyon pa siyang mag-extend ng isa pang taon dahil di rin niya matiis na iwan ang mga mabubuting employer.

Bibihira na kasi talagang makahanap ng kagaya ng mga ito na talagang magmamalasakit sa mga kasamahin nilang OFW at ituturing pa ang mga ito na kapamilya.

Dahil dito, umani ng sandamakmak na papuri ang mga amo ng OFW. Sana raw ay dumami pa ang mga tulad ng mga ito nang wala na raw tayong mabalitaang mga Pinay na minaltrato sa ibang bansa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel