Asong pumanaw, binigyan ng espesyal na burol ng kanyang "pamilya"

Asong pumanaw, binigyan ng espesyal na burol ng kanyang "pamilya"

- Tila isang burol ng tao ang inalay ng pamilyang kumupkop sa asong si Kaori para sa kanya

- Sinilid ang pumanaw na aso sa kabaong at mayroon ding lamay bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa alagang aso

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang ginawang ito ng mga amo ng aso at karamihan ay naiintindihan ang kalungkutan ng kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinurol na parang isang tao ang asong si Kaori na trinato na isang anak ng doktor sa Ilocos Norte na si Dr. Raquel Curameng Ramos.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN kay doktora Raquel at sa kanyang pamilya, labis daw talaga ang pagmamahal na binuhos nila sa alaga.

"Itinuring na anak siya kaya binurol ko. Kung ano ang treat ko sa anak ko, ganun din kasi anak ko siya," pahayag ng doktora.

Anim na taon ding nakasama ng pamilya Ramos si Kaori na trinato nilang bunsong anak sa pamilya.

Katunayan, tuwing sasapit ang kaarawan nito, pinagdiriwang nila ito at mayroong salo-salo.

Labis ang kalungkutang nadarama ng pamilya sa pagpanaw ni Kaori dahil sa sakit na anemia.

Maging ang ilang mga kapitbahay nila ay nakiramay sa pamilya at ilang gabi na ring nagpupunta sa lamay ng aso.

Samantala, ayon sa sociologist na si Herdy Yumul, maaring kakaiba ang ginawang pagbuburol pa sa alagang aso. Ngunit wala naman siyang nakikitang masama rito lalo na kung ito ang paraan ng pamilya ng pagpapakita ng pamamaalam sa pinakamamahal nilang aso.

Hinihintay na lamang na dumating ang kapatid ni Kaori na aalagaan muli ng pamilya bago ilibing ang naunang alaga.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel