Nagpakilalang ABS-CBN talent, nanghuthot ng mahigit P1M at tinangayan ng kotse ang GF

Nagpakilalang ABS-CBN talent, nanghuthot ng mahigit P1M at tinangayan ng kotse ang GF

- Nais mabawi ng isang ginang ang kanyang sasakyan sa kanyang nobyo na tinangay umano ito

- Ayon sa kwento ng complainant, pinerahan at nahuthutan siya ng salarin ng mahigit isang milyon

- Sa tulong ng programa ni Raffy Tulfo, nadiskubre ng ginang ang mga kasinungalingang pinagsasabi ng gwapong BF

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang nagkunwaring modelo at talent ng ABS-CBN ang inireklamo sa programang Wanted sa Radyo ng ginang na nahuthutan umano nito ng mahigit isang milyon at natangayan pa ng kotse.

Ayon sa complainant na si Nenalyn Sajulga, malinaw na niloko lamang siya ng nobyo na si Patricio Mendoza.

Una daw niya itong nakilala sa social media nang makailang beses daw itong magpadala ng mensahe sa kanya.

Doon na raw nagsimula ang kanilang relasyon na tumagal ng limang buwan.

Ngunit ang pag-ibig pala ni Patricio ay mayroong pakay kay Nenalyn.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagsimula raw itong manghingi sa kanya at nagpakilala pa bilang isang nursing student. Una raw itong humingi ng P86,000 para sa tuition fee nito.

Matapos nito ay gastos naman raw sa OJT ang sinunod na hiningi nito. Ilan pang dahilan ang sinabi nito katulad ng pagkakasakit ng tatay nito.

Bukod dito, sinabi nitong isa itong talent ng isang brand at ng ABS-CBN at madalas pa umanong humingi sa kanya ng pangbili ng mga gamit nito.

Dito na raw nagtaka si Nenalyn at madalas raw na komprontahin si Patricio.

Nang hindi na ma-contact ang lalaki ay idinulog na niya ito sa programa para makahingi ng tulong kay idol Raffy.

Bagamat aminado na naging tanga sa pag-ibig si Nenalyn, sinabi niyang dahil na rin sa awa sa lalaki dahil sa kung anu-anong hinabi nitong istorya kung kaya siya nakuhanan ng pera nito.

Nais na lamang niya na mabawi ang ilang mahahalagang gamit sa ex at ang kanyang kotse rito at makasuhan na rin ang binata.

Samantala, sa tulong ng programa, napag-alamang hindi konektado sa brand na sinabi ni Patricio at sa ABS-CBN ang salarin.

Narito ang buong istorya mula sa Youtube channel ng Raffy Tulfo in Action:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel