Misis, hinimatay dahil sa sama ng loob sa mister na may kalaguyo

Misis, hinimatay dahil sa sama ng loob sa mister na may kalaguyo

- Hindi na kinaya pa ng isang ginang ang labis na sama ng loob sa kanyang mister at hinimatay na sa studio ng Aksyon

- Bukod kasi sa kulang na kulang ang sustento na ibinibigay nito sa kanila ay napag-alaman niyang mayroon na itong kabit

- Agad naman itong inaksyunan ni idol Raffy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hinimatay sa studio ng programang Akyson ang ginang na si Joana Cataga, isang lady guard mula sa Rizal, matapos ireklamo ang kanyang mister na si Christopher Cataga.

Bukod kasi sa kulang na kulang ang sustentong ibinibigay nito sa kanya at sa dalawa nilang anak, napag-alaman na rin nito na mayroon na pala itong kabit.

Umiiyak ang ginang nang makipag-usap sa mister dahil anito ay hindi sapat ang ipinapadala nito dahil may espesyal na kondisyon ang kanilang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Iginiit pa ni Joana na kaya maliit ang ipinapadala ng asawa ay dahil sa motor na bibilhin nito para rito at sa kalaguyo nito na kasamahan din umano nito sa trabaho.

Bagamat hindi ikinaila ni Christopher ang akusasyon ni Joana, sinabi naman nito na hiwalay na sila ng asawa.

Ngunit dahil sa responsibilidad nito ay iginiit ni Raffy Tulfo na nararapat lamang itong magbigay ng nararapat na sustento.

Matapos malaman ang sinasahod ni Christopher ay nagkasundo ang mga ito na magbibigay ito ng P10,000 kada buwan.

Ngunit matapos ang pag-uusap ng dalawa ay hindi na kinaya pa ni Joana at tuluyan nang bumigay.

Mabuti na lamang at naging maagap si idol Raffy at ang mga staff ng programa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel