Tsino na nahuling umihi sa kalsada at nanakit ng tanod, nasampolan ni Mayor Isko

Tsino na nahuling umihi sa kalsada at nanakit ng tanod, nasampolan ni Mayor Isko

-Hindi pinalagpas ni Manila Mayor Isko ang isang Chinese national na nahuling umiihi sa isang kalsada sa siyudad

-Bukod rito, nanakit pa ng isang barangay tanod ang dayuhan na nanita rito

-Dahil dito, nais ng alkalde na mapa-deport ito at tuluyan nang ma-ban sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pinalagpas ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang dayuhan na nahuling umihi sa isang kalsada sa siyudad noong Sabado, Hulyo 6.

Bukod rito, nanakit din ito ng isang barangay tanod na nanita sa ginawa nito.

Kinilala itong si Chito Keng Villaluz, 45-anyos at isang Chinese national. Residente ito sa Barangay 281, Zone 86 in Binondo, Manila.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, magsasampa ng deportation case si Mayor Isko laban kay Villaluz dahil sa naging aksyon nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod rito nahaharap na rin ito sa kaso matapos ireklamo ng tanod.

“It is a generally accepted rule that you don’t pee in the streets. You will be arrested because that is illegal. If you hit an enforcer, if you attempt to hurt policemen, because you think your country is a superpower, you are not welcome in the City of Manila,” sabi ni Moreno.

Sabi sa ulat, susulat ang tanggapan ni Mayor Isko sa Bureau of Immigration (BI) upang ma-check kung foreign passport holder ba si Villaluz bago isulong ang reklamo rito.

Bukod sa deportation, nais din ng alkalde na ma-ban ang Tsino sa Pilipinas.

Nagbabala pa ito sa mga dayuhan na sumunod kahit sa mga simpleng patakaran sa kapitolyo ng bansa para makaiwas sa gulong maaaring idulot nito.

“Ngayon, sa mga barangay chairman na buo ang loob at makatwiran, maraming salamat sa pagtulong niyo sa pagpapatupad ng mga alintuntunin at ordinansa sa ating lungsod. Kapag ganun ang ginawa ninyo, eto ako, kakampi niyo,” dagdag pa ni Mayor.

Naging laman ng balita sa bansa si Mayor Isko matapos nitong aksyunan ang ilan sa matagal nang problema sa siyudad.

Kamakailan lamang ay nag-viral ang malaking pagbabago sa ilang lugar sa Maynila kabilan ang Divisoria na una nang naiulat ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sen. Hontiveros calls out netizen who criticized her SONA outfit

Sen. Hontiveros calls out netizen who criticized her SONA outfit

Sen. Hontiveros slams netizen who criticized her SONA outfit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel