Video ng lalaking todo hataw sa pagsayaw, mahigit 2.6 million views na

Video ng lalaking todo hataw sa pagsayaw, mahigit 2.6 million views na

- Viral ang video ng isang lalaking todo hataw sa pagsayaw ng cha-cha

- May partner pa ang lalaki ngunit parang solo na niya ang dance floor

- Umabot na sa mahigit 2.6 million views ang nakakatuwang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ang naaliw sa viral video ng lalaking sinakop na ang buong dance floor sa pagsasayaw ng cha-cha.

Sa video na binahagi ng Facebook page na Love - Lhey Page noong Hulyo 2, kapansin-pansin ang lalaking ito na bagaman at may ka-partner ay parang may sariling entablado siyang ginagalawan.

Todo hataw ang lalaki ngunit di naman niya mahawahan ang ka-partner na tila hiyang-hiya namang sumayaw.

May caption ang post na "Yung na miss mo ang sayawan sa barrio, may na aalala talaga ako sa d moves ni kuya eh..." na mas lalong kinatuwa ng mga netizens.

Bigay na bigay ang lalaki sa paghataw at di alintana sa kanya kung halos naikot na nila ang buong espasyo ng sayawan.

Dahil dito, umani ng iba't ibang nakakutuwang komento ang naturang post.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga binahagi ng mga netizens:

"Si ate nasapawan ni kuya sa mga kendeng ganado"
"Hahahaha. nahihiya ba si ate o ikinahihiya lang yung partner niya"
"Pero infairness kay kuya palaban sa dance floor"
"Baka pauwi na siya niyan kaya tinodo na niya ang sayawan"
"Kulang na lang tumambling si kuya e"
"Tulog kaagad ito pag-uwi sa sobrang pagod kakasayaw"

Pumalo na sa mahigit 2.6 milion views ang video na ito na orihinal na binahagi ni Bu ri Dek.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel