Misis na may Hapon, nagmakaawa kay mister na 'wag siyang ipa-deport

Misis na may Hapon, nagmakaawa kay mister na 'wag siyang ipa-deport

- Nagmakaawa ang ginang na kasalukuyang entertainer sa Japan na huwag siyang ipa-deport ng kanyang mister

- Matapos kasing idulog ng kanyang asawa ang kanilang problema sa Wanted sa Radyo ay nagdesisyon ito na kasuhan siya

- Samantala, maging ang ilang staff ni idol Raffy hindi napigilang maiyak dahil kay mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagmakaawa ang ginang na si Zyra Cortez, isang entertainer sa Japan, na huwag siyang ipa-deport ng mister na si Daniel.

Una nang naiulat ng KAMI ang pagdulog ni mister sa programang Wanted sa Radyo upang makausap ang misis na bigla na lang nanlamig sa kanya.

Inireklamo rin nito ang labis na pamamahiya ni Zyra sa kanya sa social media at ang mga larawang nasa Facebook nito kung saan makikita itong may kasamang Hapon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod kasi sa may larawan habang nakikipaghalikan ang misis ay mayroon pang katabi nito ang Hapon sa kama.

Depensa pa noong una ni misis ay parte lamang iyon ng kanyang trabaho bilang entertainer. Hindi naman kumbinsido rito si idol Raffy at maging ang ilang netizens.

Matapos ma-interview ang dalawa on air ay muli silang pinag-usap ni Tulfo para pag-ayusin.

Nagmatigas pa noong una si Daniel at nanindigang kasuhan ang asawa.

Humagulgol naman si Zyra at nakiusap sa mister na huwag sana nitong gawin ang pina-plano alang-alang sa kanyang lolo at lola na siya ang bumubuhay.

Sa huli ay sumuko rin si Daniel at pinatawad na lamang ang misis dahil mahal pa rin daw niya ito.

Hiniling na lang nito na makausap ang asawa para makapag-usap sila ng maayos.

Nangako naman ang ginang na uuwi siya sa susunod na buwan at aayusin ang gusot sa asawa.

Isang matamis na pamamaalam naman ang iniwan ni Daniel sa asawa na hiniling pa na masuklayan tulad ng dati ang minamahal na asawa.

Hindi naman napigilan ni idol Raffy ang ma-touch sa nalamang pag-aalaga nito sa misis at pati ang kanyang staff ay napaiyak rin dito!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel