Magkasintahang may edad na 100 at 102, nagdesisyon paring magpakasal

Magkasintahang may edad na 100 at 102, nagdesisyon paring magpakasal

- Nakuha paring magpakasal ng magkasintahang nagkakilala sa isang senior home

- Pareho silang namatayan na ng unang asawa at di inaasahang mahuhulog ang loob sa isa't-isa

- Nabigyan muli sila ng pagkakatang umibig at makipag-isang dibdib

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakamamangha ang kwento ng pag-iibigan nina John and Phyllis Cook na di nagdalawang isip na magpakasal sa kabila ng kanilang edad na 100 at 102.

Ayon sa ulat ng CNN pawang biyudo at biyuda na ang dalawa na nagkakakilala sa isang senior home sa Ohio, U.S.A.

Masasabing maswerte nga raw sila at nabigyan pa sila ng isa pang pagkakataong umibig pang muli.

Di nila inaasahan na ang pagkakaibigan sa senior home ay mauuwi sa pag-iibigan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang taon silang magkasintahan nang alukin silang ipakasal ng pasilidad na kanilang tinitirhan.

"To tell you the truth, we fell in love with each other. I know you think that may be a little bit farfetched for somebody our age, but we fell in love with each other," ayon kay Phyllis nang kapanayamin siya ng WNWO.

"We were just compatible in a whole lot of ways, found ourselves enjoying each other's company," pahayag naman ni John.

Kapansin-pansin daw talaga ang kasiyahan ng dalawa sa tuwing sila ay magkasama.

Magkasabay silang kumakain, sabay namamasyal sa pasilidad sakay ng kanilang mobility scooters at iba pang bagay na maaring gawin nila pareho.

Masasabing ine-enjoy talaga nila ang bawat minuto na sila ay magkasama lalo pa at alam naman nilang di na sila bumabata pa.

Patunay lamang na pagdating sa pag-ibig, wala talagang pinipiling edad. Gaya nina John at Phyllis na di nagpahuli sa muling pag-ibig at piniling maging masaya sa piling ng isa't-isa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel