Raffy Tulfo, pumagitna sa hidwaan ng pamilya! Gigil na nanay vs dyowang lesbian

Raffy Tulfo, pumagitna sa hidwaan ng pamilya! Gigil na nanay vs dyowang lesbian

- Nagkaroon ng pagkakataong magkaharap-harap ang lesbian na inireklamo at ang mga magulang ng kanyang GF

- Sa harap ni idol Raffy, naganap ang matinding bitawan at rebelasyon ng bawat isa

- Ngunit dahil na rin sa tulong ng programa, nabigyan ng pagkakataong makapag-simula ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mainit na mainit ang mga binitawang salita ng complainant na si Lerma Orcullo laban sa karelasyon ng kanyang anak na si Hazel Shane Tormis.

Una nang naiulat ng KAMI nang idulog ng mister ni Lerma na si Rodolfo ang problema nila sa kanilang dalaga na si Rachel na sumama kay Hazel.

Sa tulong ng programang Raffy Tulfo in Action, nagkaroon ng pagkakataon na magharap-harap ang mga ito.

Noong una ay matindi ang mga ganap lalo pa at gigil na gigil talaga si aling Lerma kay Hazel.

Diumano, ay binastos daw sila nito at minura-mura pa si mang Rodolfo na labis nilang ikinagalit dito.

Sa halip raw kasi na magpakumbaba ito ay hindi na sila nito iginalang.

Bagamat aminado dito si Rachel, dinepensahan naman nito ang karelasyon at sinabing napilitan itong sumagot dahil sa masasakit na salitang sinabi rito ng mga magulang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ito rin ang paliwanag ni Hazel kay idol Raffy.

Giit pa ng mag-asawa, si Rachel ang kumakayod para buhayin ang lesbian na nobyo. Iginiit rin nila na gusto nilang magkaroon ito ng asawang lalaki.

Ngunit nagmatigas si Rachel na hindi ito ang kanyang nais. Gusto raw nitong maghanap-buhay at ayaw pang mag-asawa.

Dito na pumagitna si Raffy Tulfo at ipinaliwanag sa bawat isa ang sa tingin nito ay tama lamang.

Hindi na rin nagdamot pa si idol Raffy nang malamang labis na ikinababahala ng mag-asawa ang kanilang nautang na TV kaya naman nagbigay na ito ng tulong.

Unti-unti na ring lumambot ang mag-asawa dahil nais talaga nilang maka-uwi na ang kanilang anak.

Binigyan na rin nila ng tsansa si Hazel na maipakita ang pagmamahal kay Rachel. Habang ito naman ay nagpakumbaba sa magulang ng kanyang nobya.

Sa huli, naging maayos ang kanilang pamilya sa kabila ng maiinit na naganap sa pagitan ng mga ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dimples Romana, humingi ng sorry kay Boy Abunda

Dimples Romana, humingi ng sorry kay Boy Abunda

Dimples Romana, humingi ng sorry kay Boy Abunda
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel