Fishball vendor, todo-kayod kahit injured matapos ma-hit-and-run

Fishball vendor, todo-kayod kahit injured matapos ma-hit-and-run

-Nagkaroon ng matinding pinsala ang balikat ng isang fishball vendor sa Bulacan matapos itong mabiktima ng hit-and-run

-Ayon sa uploader, nangangailangan ito ng tulong at maging ang anak nito na kasama nitong naaksidente

-Bukod daw kasi sa anak nito ay mayroon pa itong mga ampon na binubuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na pasakit ang dinadala ngayon ng fishball vendor na si Ernesto Comtias matapos umusli ang kanyang buto sa balikat.

Sa pamamagitan ng Facebook post ng netizen na si Lisa Castro Jose, ibinahagi nito ang kwento ni kuya Ernesto na dati na nilang suki, ngunit bigla na lang daw itong nawala.

Nang makabalik ito sa pagtitinda ay napag-alaman nila na nabiktima ito ng hit-and-run, kasama ang isa nitong anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit matapos ang ilang buwan ay bumalik na ito sa pagtitinda dahil mayroon daw itong mga anak at ampon na umaasa sa kanya.

Sa kanyang FB post, hinikayat ni Jose ang ilan sa mga netizens para tulungan ang fishball vendor.

Sa comment section ng post ay ibinahagi naman ni Jose ang ilang larawan ni kuya Ernesto at ipinakita ang naging pinsala ng aksidente dito.

Napag-alaman din ng KAMI na araw-araw pa rin itong nagtitinda ng fishball sa Baliuag sa probinsiya ng Bulacan, sa kabila ng hirap na dinaranas nito.

Kumakatok naman sa may mabubuting puso ang mag-ama para humingi ng tulong para tuluyan silang mailigtas mula sa panganib na idinulot ng aksidente.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation

Anak, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation

Anak na nagtapos, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel