GrabFood driver, nanlumo nang malamang prank lang ang sandamakmak na order sa kanya

GrabFood driver, nanlumo nang malamang prank lang ang sandamakmak na order sa kanya

- Nanlumo ang isang GrabFood deivery man nang malamang 'prank' lamang ang order sa kanya na umabot ng ₱2,250

- Di niya naiwasang sumama ang loob dahil sa pambili na sana ng gatas ng kanyang anak ang ganoong halaga

- Nagbigay ng update ang nagbahagi ng nangyari sa delivery man na ito at binayaran ng magulang ng nag-prank ang naturang halaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di maiwasang manlumo ng isang GrabFood delivery man nang makaranas umano siya ng prank mula sa customer.

Binahagi ng netizen na si Junize San Diego ang buong pangyayari kung paano napabili ng halagang ₱2,250 na milk tea ang delivery man.

Makikita ang palitan ng text ng dalawa at sa una pa nga'y tila naghinala pa ang GrabFood driver na baka hindi ito "legit" o hindi naman totoong order.

Dumarami na raw kasi ngayon ang mga tinatawag na fake booking kung saan di nababayaran ang nabili na ng GrabFood dahil sa di naman daw talaga ito order ng customer. Bukod pa rito, may ilan pang 'di makahintay kaya kina-cancel na lamang nila ang kanilang order.

Sumama man ang loob ngunit nanatiling kalmado ang delivery man nang sabihin ng customer na prank lamang ito at di totoo ang order.

Dahil dito, nawalan lalo siya ng pera na pambili sana ng gatas ng kanyang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alamang 13 anyos lamang ang customer at ginaya pala niya ang prank na ito sa prank vlog ng isang "social media influencer".

Samantala, sa update na rin mismo ng nag-post, pinakita na rin na nagkabayaran naman na ang magulang ng 13 taong gulang na customer at ang GrabFood delivery man.

Magsilbing leksyon sana ang pangyayaring ito sa mga tumatangkilik sa GrabFood na magkaroon daw sana ng kaunting konsiderasyon sa kanilang mga delivery man.

Maayos daw ang mga itong nagtatrabaho at may pamilyang binubuhay kaya sana'y huwag naman na silang makaranas pa muli ng panloloko ng mga tao.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na nagtapos, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation

Anak na nagtapos, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation

Anak na nagtapos, dinala ang "standee" ng pumanaw na ina sa kanyang graduation
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel