Honest na tricycle driver, nagsauli ng napulot na mamahaling cellphone

Honest na tricycle driver, nagsauli ng napulot na mamahaling cellphone

-Walang pag-aatubiling isinauli ng isang tricycle driver ang mamahaling cellphone na naiwan ng isa sa kanyang pasahero

-Nang makita raw nito ang cellphone ay agad niya itong isinauli sa nakababa nang pasahero

-Nag-alok ng pabuya ang may-ari ng cellphone ngunit hindi ito tinanggap ng tricycle driver

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nararapat lamang na tularan at hangaan ang isang tricycle driver sa Dapitan City, Zamboanga Del Norte na nagsauli ng mamahaling cellphone na naiwan sa kanyang tricycle.

Ayon sa ulat ng GMA News, Lunes nang makita ni Alexander Fernandez, 42-anyos, ang mamahaling cellphone sa likurang bahagi ng minamanehong tricycle.

Walang pag-aatubili naman niyang isinauli ito sa pasaherong nakababa na, kinilala itong si Guendolyn Opaon.

Nag-alok pa ng pabuya si Opaon para kay Fernandez ngunit hindi ito tinanggap ng matapat na tricycle driver.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito naman ang mga komento mula sa mga netizens:

"God bless you kuang driver mabuhay ka."

"Good job kuya sana lht ng driver gaya m mabuhay ka klap klap."

"Mabuhay ka kuya."

"Naku d2 samin wala na yan!!kht kilala pa nila may ari di na isosoli."

"Salute kuya."

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa namang matapat ng 14-anyos at isang water vendor ang nagsauli rin ng halagang P130,000 na napulot naman nito sa airport sa Aklan.

Napag-alamang isang Chinese national ang may-ari nito na nag-iwan din ng pabuya para sa matapat na bata at sa ina nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel