Lagot! Raffy Tulfo, 'gigil much' sa lalaking nanloko sa nobya nitong OFW

Lagot! Raffy Tulfo, 'gigil much' sa lalaking nanloko sa nobya nitong OFW

- Hindi na itinago ni Raffy Tulfo ang inis sa inirereklamong lalaki na nanloko umano ng isang OFW

- Reklamo kasi ng OFW, matapos siyang paibigin ng nobyo at mahingan ng kung anu-ano ay nambabae naman ito

- Bukod dito, napag-alaman pang minaltrato ito ng amo na labis na ikinalungkot ni idol Raffy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nanggigil si Raffy Tulfo sa lalaking inirereklamo ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait na inaakusahang nanloko dito.

Ayon sa reklamong idinulog ng pinsan ng OFW na si Rosalie Adlawon sa programang Raffy Tulfo in Action, matapos daw siyang paibigan ng nobyong si Jones Atico ay niloko naman daw siya nito.

Labis na hinanakit ang inilabas ni Rosalie para sa nobyo na anito'y nangba-babae raw sa kabila ng kanilang mga plano sa hinaharap.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Giit pa ni Rosalie, malaki na rin daw ang naibigay niya kay Jones kabilang na ang ilang kagamitan katulad ng motor, TV at videoke.

Hinikayat din daw siya ni Jones na mag-invest sa negosyo kaya naman nakapag-padala na rin siya ng mahigit P70,000 rito.

Depensa naman ni Jones, binayaran niya ang motor kay Rosalie ngunit itinanggi ito ng OFW.

Hindi rin daw siya nagkaroon ng ibang karelasyon, bagay na hindi tinanggap ni idol Raffy lalo pa at may mga ebidensiyang ipinakita ang pinsan ni Rosalie laban dito.

Napag-alaman pang minaltrato ng amo si Rosalie batay na rin sa kwento nito.

Kaya naman nangako si idol Raffy ng tulong para dito, nang sa ganun ay agad na makasuhan ang nobyo nitong si Jones.

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, isang mister naman ang umiiyak na dumulog kay idol Raffy para makausap ang misis nitong nasa Japan na bigla na lang daw nanlamig sa kanya!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Former teen actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation

Former teen actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation

Former actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel