Smack lang daw ang halik kay misis ng customer niyang Hapon!

Smack lang daw ang halik kay misis ng customer niyang Hapon!

- Umiiyak ang isang mister nang idulog ang problema niya sa asawa na isang entertainer sa Japan

- Anito, bukod sa paninira ay bigla na lang daw itong nanlamig sa kanya at may mga larawan pa itong kasama ang iba't-ibang lalaki

- Nang mag-usap naman ang dalawa sa tulong ng programa ni idol Raffy ay nagdesisyon si mister na ipa-deport na lamang ang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umiiyak na idinulog ng complainant na si Daniel Cortez ang kanyang problema sa asawang entertainer sa Japan sa programang Raffy Tulfo in Action.

Bukod daw kasi sa paninira ng misis na si Zyra Cortez sa kanya ay bigla na lang din itong nanlamig sa kanya.

May larawan din itong may kasamang iba't-ibang lalaki at mayroon pang larawan na may kahalikan na isang Hapon ang kanyang misis.

Sa tulong ng nasabing programa, nakausap ni Daniel ang asawa. Nagkaroon ng mainit na usapan sa pagitan ng dalawa.

Depensa ni misis, smack lang naman daw ang halik sa kanya ng customer na Hapon!

Samantala, tinanong naman ni Raffy Tulfo kung kasali ba sa trabaho ng ginang ang paglabas kasama ng mga customer nitong Hapon.

Malinaw raw kasi na labas na ito sa bar kung saan lang dapat ang serbisyo ng isang entertainer sa Japan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi rin daw dapat na i-post pa nito ang mga larawan kasama ang mga customer na Hapon. Bukod kasi sa paghalik ay mayroon pang mga "intimate" na larawan ang ginang kasama ang isang Hapon.

May karapatan daw kasi na magalit ang mister niya lalo na at pinagsisimulan na ito ng tsismis sa Pilipinas.

Bukod dito ay nagpalitan pa ng akusasyon ang dalawa laban sa isa't-isa.

Posible rin na ma-deport si Zyra dahil mayroong ebidensiya si Daniel laban dito.

Ngunit giit naman ni idol Raffy, dapat raw sana ay hindi na ito pinayagan ni Daniel noong una lalo pa at sinabi naman pala ng ginang kung ano ang trabaho nito sa Japan.

Sa huli, nagdesisyon pa rin si Daniel na kasuhan ang misis at nang sa ganun ay ma-deport na ito sa kabila ng pag-iyak ni Zyra.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza sa Lucban

Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza sa Lucban

Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel