Caregiver, pinerahan ng halos kalahating milyon ng kanyang ex-boyfriend

Caregiver, pinerahan ng halos kalahating milyon ng kanyang ex-boyfriend

- Inireklamo ng isang caregiver sa LA ang kanyang ex-boyfriend matapos siyang perahan nito

- Pinag-aral at sinustentuhan pa ni ate si kuya para makapunta ng Korea

- Ngayong nasa Korea na si kuya, deadma na at naka-block pa sa messenger si ate na gumastos ng kalahating milyon sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang kaso na naman ng panloloko sa pagitan ng isang OFW at ng dati niyang boyfriend ang dinulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action.'

Nalaman ng KAMI na si Myca Soliman, 24-anyos, isang caregiver sa Los Angeles, California, ang humingi ng tulong kay Idol Raffy para mabawi ang perang nakuha sa kanya ni Ren Magtoto.

Si Ren ang dati niyang karelasyon, 29-anyos, isang factory worker sa Korea.

Ayon kay Myca, umabot na sa halos kalahating milyon ang nakuhang pera sa kanya ni Ren.

Bukod sa pinag-aral niya ito para makapunta ng Korea, sustentado rin siya ni Myca noong nasa Pinas pa siya.

Si Myca rin ang nagbabayad ng wifi internet sa bahay nina Ren sa Pinas, nagpapabili ng kotse at ayaw tanggapin ang bike na binibili ni Myca.

Inuutusan din daw si Myca bumili ng lechon para sa pamilya niya noong bagong taon at may PHP5,000 na allowance pa siyang natatanggap kada buwan.

May mga chat din si Ren kay Myca na sinasabi ang, "Mahal mo ko pero tinitipid mo ko?"

Sa tulong ng kapatid ni Myca na si Nicole Soliman, siya ang personal na pumunta sa tanggapan ni Idol Raffy.

Ayon pa kay Nicole, hinipuan daw ni Ren ang kanilang kapatid na babae noong tumuloy ito sa bahay nila.

Itinatanggi naman ni Ren ang mga binibintang sa kanya at lahat daw ng natanggap niya at ng pamilya niya ay kusang loob na binigay ni Myca.

Watch the video below:

Iba't-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa kuwento nila. May mga na-high blood sa ginawa ni Ren at sa pinakitang ugali ng kapatid nitong lalaki.

Pero mayroon ding ilan na nagsasabing malaki ang pagkukulang ni Myca dahil nagtiwala siya sa taong hindi pa naman niya nakikita o nakakasama ng personal.

"Yabang kapatid ...hoy dios ko feeling mo gwapo ang kapal ng mukha"
"Ren Magtoto excuses are very LAME. so with his mother and brother......Mukhang pera sila"
"Kapal ng mukha nung kapatid, napahiya ka tuloy kay Mr. Raffy..."
"Ang Ganda mo ate.. Di MO deserve Yung ganito. Lesson learned."
"May kasalanan din si girl. Maging matalino kayo iba na ang panahon ngayon. Hays anu ba nman yan. Pano kung walang Raffy tulfo pano na?!"
"ang Tanga ng ATE hindi pa sila nagkikita eh nagbibigay ng pera sa Lalaki pa , dapat lalaki ang nagbibigay hindi babae!!!!!"
"bottom line is why trust somebody you haven't met!!!!"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang mister na bumili ng footlong imbis na hotdog, nag-iiyak at nagmakaawa kay misis.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Tricky Questions, we asked people how many players there are in a basketball team! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, tinawag na 'Salamat Dok' ang bagong 'Darna' na si Jane de Leon

Netizens, tinawag na 'Salamat Dok' ang bagong 'Darna' na si Jane de Leon

Netizens, tinawag na 'Salamat Dok' ang bagong 'Darna' na si Jane de Leon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel