Pinay mom sa Canada, viral dahil sa mga "gaya-gaya" photos niya ng mga artista

Pinay mom sa Canada, viral dahil sa mga "gaya-gaya" photos niya ng mga artista

- Viral ang mga "gaya-gaya" pose ng isang Pinay mom sa Canada

- Natuwa ang mga netizens sa malikhaing bersyon niya ng mga larawan ng sikat na mga artista

- Nasasalamin din sa kanyang mga viral photos ng pagiging isang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa sa mga kakatwang post ng Canada-based mom na si Grace Baldomar Delos Santos.

Sa kanyang Facebook page na AJ's and ME, makikita ang sandamakmak niyang "gaya-gaya" photos ng mga sikat na celebrities.

Sa panayam sa kanya ng Smart Parenting, nagsimula raw ito sa corned beef commercial ni Heart Evangelista na kanyang ginaya.

Kasali raw siya noon sa isang group ng mga mommies online at nagkaroon sila ng challenge na gayahin ang commercial na ito.

Laking gulat na lamang niya nang mag-viral agad ito at magustuhan ng mga tao.

Dahil dito, inudyok siya ng kanyang mga kaibigan na lumikha ng Facebook page kung saan niya maaring i-post ang mga nakaka-good vibes niyang "gaya-gaya" pictures.

Mapapansin din na sa bawat bersyon na kanyang ginagawa, lagi niyang sinasama ang konsepto ng pagiging ina.

Matiyaga siyang nagtitingin ng mga popular na larawan sa Instagram. Pagkatapos, hahanap na siya ng kaparehang damit na suot ng kung sinumang celebrity ang gagayahin niya.

Ito raw ang nagiging dahilan niya upang makabili ng iba't ibang klaseng damit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

May apat na anak si Grace at lahat ng mga pangalan ng mga ito ay may initials na A at J. Mula kasi ito sa pangalan ng kanyang mister na si Albert Joe.

Kaya naman ang Facebook page ng kanilang pamilya na sinasabi niyang "jologs version ng Team Kramer" ay "AJ's and ME."

Para kay Grace, "Happiness is a choice." Ginagawa niya ang mga "gaya-gaya" photos niya dahil dito siya masaya at naibabahagi pa niya ang kasiyahan na ito sa ibang tao, kasama ang kanyang pamilya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel