Matindi! Nanay, umusok sa galit sa karelasyong tomboy ng kanyang anak na dalaga

Matindi! Nanay, umusok sa galit sa karelasyong tomboy ng kanyang anak na dalaga

-Hindi matanggap ng mag-asawang complainant sa Raffy Tulfo in Action ang relasyon ng kanilang dalaga sa isang lesbian

-Kaya naman nagawa na nilang humingi ng tulong kay idol Raffy na mapa-uwi ang kanilang anak na sumama diumano dito

-Minura daw kasi ng lesbian ang tatay ng dalaga na labis na ikinagalit ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na pangungulila at lungkot ang mababakas sa lalaking si Rodolfo Orcullo nang dumulog sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action.

Nais kasi nito at ng asawang si Lerma Orcullo na mapa-uwi na ang kanilang anak na si Rachel, 24-anyos, na sumama diumano sa isang lesbian na si Hazel Shane Tormis.

Hindi sang-ayon ang mag-asawa sa napiling karelasyon ng kanilang anak lalo pa at nais sana nila na magkaroon ito ng isang pamilya.

Matinding sama rin daw ng loob ang idinulot sa kanila ng lesbian na diumano'y minura si tatay Rodolfo.

Sa tulong naman ng programa at ni Raffy Tulfo ay nakausap nito si Rachel.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit giit ng dalaga, hindi pa naman pormal ang relasyon nito kay Hazel. At nais lamang daw niyang makapaghanap ng trabaho para na rin sa kanyang pamilya.

Sa tulong na ini-alok ni idol Raffy, nagkasundo ang mag-ama na umuwi si Rachel para makausap ang kanyang mga magulang.

Ngunit base sa ipinakitang update ng programa, may matinding harapan na magaganap sa pagitan ng dalawang panig!

Lalo na mula kay nanay Lerma na halatang-halata ang labis na galit para kay Hazel!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza sa Lucban

Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza sa Lucban

Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel