Bottle cap challenge ni Mariah Carey, halos 3 million views na

Bottle cap challenge ni Mariah Carey, halos 3 million views na

- Mabilis na nag-viral ang bottle cap challenge ni Mariah Carey

- Ang kanyang pamosong birit ang ginamit niya sa pagtanggal ng bottle cap sa challenge na ito

- Sa loob lamang ng halos isang araw na pagkaka-post ng video, umabot na ito sa mahigit 3 million views

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumagat na rin sa bottle cap challenge ang Songbird Supreme na si Mariah Carey.

Sa kanya mismong Facebook page, mabilis na nag-viral ang video kung saan pagbirit pa rin ang kanyang ginamit sa pagtatanggal ng cap o takip ng bote.

Sa orihinal na challenge na ito, dapat na sipain ang takip upang matanggal sa bote.

Ngunit pinanindigan pa rin ng Mariah ang kanyang pamosong "whistle voice" para matanggal ang cap.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala pa halos 24 oras mula nang binahagi niya ang video, umabot na agad ito sa halos 3 million views.

Samantala, maging ang ibang Hollywood celebrites ay tinanggap na rin at ginawa ang popular na challenge na ito.

Maging ang ating mga Pinoy celebrities ay nakisabay din sa pagtanggal ng bottle cap sa kani-kanilang paraan bilang parte pa rin ng challenge.

Ayon sa Popsugar, nagsimula lamang ang challenge na ito noong Hunyo 25 sa pangunguna ng Taekwondo instructor at fighter na si Farabi Davletchin.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga sa socmed

‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga sa socmed

‘Weightlifting Fairy’ star Lee Sung-kyung, kinilig sa comment ni Lea Salonga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel