Pinoy na Pinoy! Bayanihan, buhay na buhay pa rin sa isang viral video

Pinoy na Pinoy! Bayanihan, buhay na buhay pa rin sa isang viral video

-Hindi pa rin nawawala sa ating mga Pilipino ang pakikipag-kapwa-tao lalo na sa mga lugar kung saan mas simple lamang ang pamumuhay

-Patunay rito ang isang viral video kung saan kita ang pagbabayanihan ng ilang kalalakihan

-Marami sa atin ang tiyak na natutuwa at magiging proud sa ipinakitang ito ng ating kapwa Pinoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinoy na Pinoy ang dating ng isang viral video na in-upload ng netizen na si Angelica Lhyka Villate.

Sakanyang ibinahaging video, kita ang pagbabayanihan ng ilang kalalakihan sa brgy. Sto.Niño Ibaba Lopez, Quezon.

Kita ang pagtutulungan ng mga ito para buhatin ang isang katamtamang laki ng bahay para madala sa lupang pagtitirikan nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Nakakatuwang makita na buhay na buhay pa ang tradisyon ng bayanihan d2 sa aming munting bayan ng Lopez, probinsya ng Quezon."

"1st time to see it w/my two eyes." ani Villate sa kanyang caption.

Ang ay pagbabayanihan ay ang sama-samang pagtutulungan ng mga magkakapitbahay o mga magkakabaranggay sa pagbuhat at paglipat ng isang bahay patungo sa isang bagong pwesto.

Noon ay kubo lamang kasi ang mga bahay at karaniwang gawa lamang sa magagaang na materyales.

Sinasalamin nito ang pagkakabuklod-buklod at mapayapang pagsasama ng mga magkakabarangay o magkakapitbahay.

Kaya naman nakakatuwang makita na nabubuhay pa rin sa kasalukuyang panahon ang kaugaliang Pinoy na nararapat lang nating ipagmalaki sa buong mundo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dimples Romana, humingi ng sorry kay Boy Abunda

Dimples Romana, humingi ng sorry kay Boy Abunda

Dimples Romana, humingi ng sorry kay Boy Abunda
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel