Lalaking walang pandinig, isa nang ganap na lisensyadong guro

Lalaking walang pandinig, isa nang ganap na lisensyadong guro

- Nakapasa ang isang gurong walang pandinig sa Licensure Examinations for Teachers

- Consistent honor student noong nag-aaral siya sa school for the deaf at nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong Elementary Education

- Aminadong ilang beses na bumagsak sa LET, ngunit ngayong taon, di na siya nabigo at isa na siyang ganap na lisensyadong guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na ngayong Licensed Professional Teacher si Kevin Gamboa dahil sa kanyang pagpasa sa Licensure examinations for teachers ngayong taon.

Ayon sa ABS-CBN news, espesyal na araw iyon para kay Kevin dahil di biro ang mga pinagdaanan niya maging lisensyadong guro lamang.

Dalawang taon pa lamang kasi siya noon nang malaman ng kanyang pamilya na wala pala siyang pandinig.

Halos gumuho raw ang mundo noon ng kanyang ina na si Luisa.

Pero di niya sinukuan ang anak at sinikap niya itong ipasok sa school for the deaf sa Maynila.

Malaking bagay na nakatanggap ng scholarship si Kevin mula sa isang taong may mabuting kalooban sa New Zealand. Ito ang ginamit niyang pantustos sa kanyang pag-aaral.

Sa kabila nito, kinailangan pa ring umalis ng kanyang ina patungong Australia upang mag-hanapbuhay.

Nasuklian naman ang lahat ng hirap at sakrpisyo ng kanyang ina dahil consistent honor student si Kevin hanggang high school.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong 2015, nagtapos siya ng kolehiyo sa kursong Elementary education. Nang taon ding iyon, kumuha na agad siya ng Licensure Examinations for Teachers o LET ngunit di siya agad pinalad.

Anim na beses pa siyang bumagsak ngunit di sumuko si Kevin. Nag-aral at nagsaliksik pa siya ng mga bagay na di pa raw niya alam para masigurong papasa na siya.

At nitong Marso ng kasalukuyang taon, kumuha ulit siya ng LET.

Di naiwasang maging emosyonal ni Kevin nang malamang isa na siya sa mga nakapasa ngayong taon.

Labis din ang kagalakan na nadarama ng kanyang pamilya dahil napakalaking biyaya nito para kay Kevin.

“Sa mga deaf kong katulad, hinahamon ko kayo, huwag kayong susuko, huwag hihinto. Work hard lang and never stop dreaming,” payo ng pinakabagong lisensyadong guro sa mga kapwa niya walang pandinig.

Ayon pa sa ina ni Kevin, nawa'y maging inspirasyon ang buhay ng kanyang anak sa iba at patunay lamang na di hadlang ang kapansanan sa anumang nais makamit sa buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Heart Evangelista, pinasilip ang bagong niluluto ng kanyang daddy

Heart Evangelista, pinasilip ang bagong niluluto ng kanyang daddy

Heart Evangelista, pinasilip ang bagong niluluto ng kanyang daddy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel