Misis na kukunin 3 anak, kinuyog at binato daw ng kaanak at kapitbahay ni mister

Misis na kukunin 3 anak, kinuyog at binato daw ng kaanak at kapitbahay ni mister

- Dahil daw sa mga ibinibintang ng kanyang mister kung kaya naging masama ang tingin ng mga kaanak nito sa kanya

- Kaya naman humingi na ng tulong ang isang ginang kay Raffy Tulfo para mabawi ang tatlong anak mula sa poder ng kanyang mister

- Itinataboy at kinukuyog daw kasi siya ng mga kaanak at kapitbahay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala nang nagawa pa ang ginang na si Mary France del Rosario kung hindi ang humingi ng tulong sa programang Raffy Tulfo in Action para mabawi ang kanyang tatlong anak.

Reklamo nito, hindi na ibinalik ng kanyang asawa na si Gregorio del Rosario ang kanilang mga anak matapos itong hiramin.

Ngunit pursigido ang ginang na mabawi ang mga ito, pero nang susunduin na niya ang mga ito ay kinuyog umano siya ng mga tao lugar ng kanyang mister.

Umiiyak na sinabi pa nito na pinagbabato rin daw siya at ang kasama niya ng mga kapitbahay ng mister at pinagsabihan ng masasakit na salita.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Anito, dahil daw ito sa mga ibinibintang ng mister na mayroon na umano siyang ibang lalaki na mariin naman nitong itinanggi.

Ang mister din umano ang nang-iwan sa kanila dahil dumating na raw ang kabit nito mula sa ibang bansa.

Itinanggi naman ito ni Gregorio at patuloy na idiniing mayroong lalaking pumupunta sa bahay ng asawa.

Sabi pa nito, kusa raw na ibinigay ni Mary France ang mga bata sa kanya.

Pero sabi naman ng ginang ay hindi ito totoo at sa katunayan ay may mensahe sa kanya ang isa sa mga anak na palagi silang umiiyak roon.

Sa huli, nagkasundo ang dalawa na magharap sa barangay. Doon napagkasunduan ng dalawa na mapupunta kay Mary France ang kustodiya ng mga bata.

Habang patuloy naman ang sustento ni Gregorio para sa mga ito, bagamat hindi na nagkabalikan pa ang dalawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Former actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation

Former actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation

Former actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel