22-anyos na dalaga, binaril sa ulo ng kanyang tatay na pulis

22-anyos na dalaga, binaril sa ulo ng kanyang tatay na pulis

-Arestado ang isang pulis sa Dumaguete City matapos nitong mapatay ang kanyang sariling anak

-Isang 22-anyos na dalaga ang biktima na binaril ng kanyang tatay sa kanilang bahay

-Ayon sa ulat, nagkaroon ng sagutan ang dalawa na naging ugat ng malagim na trahedya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binawian ng buhay ang isang 22-anyos na dalaga sa kanilang tahanan sa Barangay Calindangan, Dumaguete City, matapos itong mapatay ng sariling ama.

Kinilala ang biktima na si April May Ege.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nagkaroon ng sagutan ang biktima at suspek na siyang naging ugat para barilin ng huli ang kanyang anak.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gregorio Galsim, hepe ng Dumaguete police, ang service firearm ng pulis ang siyang ginamit sa krimen na nakuha na rin mula rito.

Naaresto naman agad ang suspek ng kanyang mga kasamahan.

22-anyos na dalaga, binaril sa ulo ng kanyang tatay na pulis

Photo source: Google Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit sabi sa ulat, kasalukuyan pang iniimbestigahan kung ano ang nag-udyok sa suspek para kitilin ang buhay ng sariling anak.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens sa malagim na sinapit ng anak sa kanyang ama:

"Nakaka lungkot ang mga ganitong pangyayari. Pero sa lahat ng bumatikos sa ama o anak alamin muna ang tunay na dahilan! May mga bagay na hindi natin inaasahang mangyari. Mali ang patayin ang sariling anak ngunit alam ba natin ang sanhi?"

"Minsan Kasi naubusan pasensya lalo na at nainsulto ang tatay at walang respeto ang anak, Ito ang mag trigger na Hindi mapigilan na magawa ang d inaasahan."

"Kahit pa kasalanan ng anak .. hindi nya dapat pinatay ang anak sa sarili nyang mga kamay,"

"Baka hindi mo na rin masilayan sa huling hantungan ang anak mo.lumuha ka man ng dugo wala na hindi na maibabalik buhay ng anak mo.wala kang kwentang ama."

"Ito naba ang bagong paraan ng pagdidisiplina ng mga magulang sa kanyang anak.Kung hindi madaan sa maayos na usapan ihahantong nalang ba sa marahas na paraan."

"Possible din naman that the father ended the life of his wicked daughter, he’s afraid maging worse pa ang anak niya. He sacrificed his life and future."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel