Titser, itinanggi ang paratang ng misis ng lalaking nakikiluto lang daw sa kanya

Titser, itinanggi ang paratang ng misis ng lalaking nakikiluto lang daw sa kanya

-Naghihinagpis ang isang ginang nang dumulog sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action para ireklamo ang kanyang mister

-Ilang beses na raw kasi itong nang-babae at ngayon ay itinatanggi pa ang pakikipag-relasyon sa isang guro

-Ngunit giit ni mister, nakikiluto lang daw sila sa bahay ng itinuturong kabit na guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naghihinagpis ang ginang na si Lolit del Rosario nang idulog ang kanyang problema sa mister sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action.

Nais nitong makasuhan ang kanyang asawang si Eduardo del Rosario at ang itinuturo nitong kabit ng mister na si Ruby Bautista, isang guro sa Cavite.

Giit ni Lolit, itanggi man ng asawa, mayroon siyang mga ebidensiya na makakapag-patunay sa diumano'y relasyon ng dalawa kahit pa nga sila ay kasal pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Anito, mayroong mga taong nagsasabi na nagsasama na ang dalawa sa bahay ng guro. May mga hawak din daw siyang videos kung saan kita ang kanyang asawa sa loob ng bahay ni Ruby.

Mayroon din umanong nagsabi na lumabas ang kanyang asawa mula sa bahay ng guro habang naka-pajama pa.

Dagdag pa ni Lolit, ginagamit ni Eduardo ang sasakyang pag-aari ni Ruby.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit ang lahat ng ito ay mariing itinanggi ni Eduardo at maging ni Ruby. Sabi ni Eduardo, nagkataon lamang na naroon siya sa bahay ni Ruby dahil nakikiluto lamang sila.

Itinanggi rin ni Ruby ang akusasyon ni Lolit at sinabing wala silang relasyon ng lalaki.

Matapos ang reklamo sa studio ng programa ni Raffy Tulfo, idinulog naman ito ng team sa tanggapan ng DepEd.

At sa kasalukuyan ay gumugulong na ang imbestigasyon sa reklamo ng ginang laban sa guro na si Ruby.

Ganunpaman, nais ituloy ni Lolit ang kaso sa korte ngunit inamin nito na nangangalap pa siya ng iba pang ebidensiya laban sa dalawa.

Ayon dito, napag-alaman niyang gumagawa ng paraan ang asawa para makipag-ayos sa kanya ngunit desidido ang ginang na ituloy ang kanyang nasimulan na.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel