Anak na pinalayas ang ina, sinupalpal ni Ben Tulfo

Anak na pinalayas ang ina, sinupalpal ni Ben Tulfo

- Isang ina ang dumulog sa programa ni Ben Tulfo upang humingi ng tulong

- Ito ay dahil umano sa pagpapalayas sa kaniya ng anak sa bahay na kanilang tinitirhan dahil gusto niya itong ipaayos

- Gayunpaman, habang pilit na pinag-aayos ang mag-ina ay uminit na rin ang ulo ni Ben Tulfo dahil sa masakit na mga salita ng anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog ang isang ina kay Ben Tufo dahil diumano sa pagpapalayas sa kanya sa bahay na nakapangalan naman sa kanya. Ayon pa dito nagkaalitan sila ng anak simula noong taong 2011.

Labindalawang taong nagtrabaho sa ibang bansa ang ina na ngayon ay 65 taong gulang na. Ayon pa sa kuwento niya taong 1994 nang umalis siya at saka lamang nakabalik sa bansa matapos ang 12 taon.

Pagbabahagi pa ng ina, bigla na lamang daw hindi na siya kinikibo ng anak. Sinasabi daw ng kanyang asawa na wala siya ipinadala.

Nang makausap naman ang anak, galit na galit ito. Dipensa niya sila daw ang umalis ng bahay at hindi daw niya pinalayas ang kanyang ina.

Himutok naman ng ina, hindi man lang umano sinasabi sa kanya na ipapaayos ang bahay. Lalong naging mainit ang sagutan ng mag-ina kaya pumagitna na si Mr. Tuflo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ipinaliwanag niyang nais lamang nilang magkabati silang mag-ina. Mahinahon siya na kinausap ni Mr. Tulfo. Gayunpaman, tila punong-puno ng galit ang anak at tuloy parin sa paglilitanya.

Dahil sa tila hindi mapigilang paglabas ng emosyon, minabuti ni Ben na ipakausap ito sa isang kilalang clinical psychologist.

Ipinaliwanag ng doktor ang maari nilang gawin para sa inang may edad na rin. Bukod sa matanda na ito, normal daw sa mga ganoong edad ang nagiging sensitive kaya marahil iba ang pagtanggap niya sa pagtrato sa kanya.

Gayunpaman, paliwanag ng psychologist, kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, silang mga anak ang unang dapat magbigay ng pang-unawa at pag-aalaga sa ina.

Tila wala pa rin itong epekto sa anak na naging dahilan na ng pag-iba ng tono ng pananalita ng news anchor.

Panoorin ang video rito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Human Meter hits the streets and asked random people to say these popular Pinoy tongue twisters. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel