Sigang pulis, nagalit sa customer ng karinderya dahil inunahan umano siya sa pagbili

Sigang pulis, nagalit sa customer ng karinderya dahil inunahan umano siya sa pagbili

- Nagviral ang video ng isang pulis kung saan nagagalit siya sa isang costumer ng karinderya

- Minura niya at pinagalitan ang costumer na ayon sa kanya ay inunahan siya sa pagbili

- Dinuro pa nito ang costumer at pinagbantaang arestuhin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang kuha ng isang lalaking nagngangalang Aaron Oliver Estrada matapos siyang duruin, murahin at pagbantaan ng isang pulis na nakasabay niya sa isang karinderia sa San Juan.

Nanggagalaiti ang pulis dahil siya daw ang naunang bumili. Hindi na kumibo si Estrada habang minumura siya ng pulis. Napaatras pa siya sa paghampas sa kanya ng pulis.

Lalong nagalit ito nang i-abot ng tindera ang order ni Estrada. Humingi na lamang ng dispensa si Estrada upang matapos na ang gulo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman sa ulat ng GMA news, inireklamo ni Estrada ang pulis sa video na kinilalang si Police Chief Master Sergeant Arnulfo Ardales. Paliwanag ni Estrada, dumudungaw siya pero hindi siya sumisingit.

Hindi na nakapasok sa trabaho si Estrada dahil sa takot sa nangyari.

Kinausap naman siya ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar. Ipinaalam niyang tinanggal na sa San Juan Police si Ardales at inilipat sa district headquarters habang iniimbestigahan pa ang pangyayari.

Ayon naman kay Eliazar, kahit pa totoo ang sinabing dahilan ni Ardales na sumingit si Estrada, mali parin ang inasal ng pulis.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Human Meter hits the streets and asked random people to say these popular Pinoy tongue twisters. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Former teen actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation

Former teen actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation

Former actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel