Ang pagtatapos sa kuwento ng OFW na napauwi dahil sa pekeng pagbubuntis ni misis

Ang pagtatapos sa kuwento ng OFW na napauwi dahil sa pekeng pagbubuntis ni misis

- Nagharap na sa barangay sina Melchor at Germaine Bañez

- Sila ang nasa likod ng viral na kuwento tungkol sa mister na napauwi ng Pinas dahil sa pekeng pagbubuntis ni misis

- Maraming netizens ang nag-react sa kanilang final episode

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot na sa pagtatapos ang viral na kuwento nina Melchor at Germaine Bañez.

Matatandaang unang dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' si Melchor, isang OFW sa Qatar, para ireklamo ang misis niyang si Germaine dahil sa pagpapanggap nito na siya ay buntis.

Kalaunan, nadiskubre ni mister na buntis na talaga si Germaine pero iba ang ama ng dinadala nito.

Ang nakabuntis pa kay misis ay fraternity brother pa ni mister.

Nalaman ng KAMI na sa kanilang final episode, nagkasundo na ang dalawang panig na maghiwalay na ng tuluyan at ibenta na lang ang kanilang property at paghatian ang magiging benta nito.

Naging mainit din ang naging sagutan nina Germaine at ng Punong Barangay ng Ormoc, Leyte.

Pinuntahan din ng team ni Idol Raffy kasama si Melchor, ang puntod ng sinasabi ni Germaine na namatay nilang anak.

Pinagawan pa ito ng lapida ni misis, pero ayon sa mga kaanak ni Melchor wala raw laman ang puntod.

Kahit ang mga kapitbahay nila ay sinasabing hindi totoong nabuntis si Germaine. Pero hindi nila maunawaan kung bakit niya ito ginagawa.

Watch the video below:

Maraming netizens ang na-high blood kay Germaine at narito ang ilan sa kanilang mga naging komento sa social media.

"I think the girl needs psychological assistance.may pinagdadaanan si girl."
"Ang arte ni girl hndi bagay. Tigilan mo na yan girl nakakhiya ka. Psychopath kapa"
"16 years na ako sa abroad. IT'S JUST THAT, inggles ko walang twang. Parrrang... pinoy accent pa rin. She has mental issues para may libingan kuno ang namatay na bata"
"Germaine, ikaw nagsinungaling. Ikaw ang salawahan. Ikaw ang nagpabuntis. Stop justifying your actions. Imbes na magpakumbaba ka at aminin mo na nagkamali ka nagyayabang ka pa. Ang arte mo girl!"
"Call center agent ako pero di ako ganyan magsalita. Halatang newbie si Ate sa BPO. Hahaha."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang misis ang pumagitna sa problema ni mister at kabit.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Tricky Questions, we asked people how many players there are in a basketball team! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel