iPad, ginawa lamang souvenir sa kasalang ginastusan ng nasa ₱97 million

iPad, ginawa lamang souvenir sa kasalang ginastusan ng nasa ₱97 million

- Manumbas ₱97 million ang nagastos sa kasalan ng modelong si Janaina Cardoso at Pakistani na si Imran Hussain

- Masasabing dream wedding ito dahil sa magagarbong detalye ng kanilang kasal

- Maging ang wedding souvenir nila ay di basta-basta dahil 120 guests ang nakatanggap ng iPad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakalula sa sobrang garbo ang kasalang ito ng Brazilian model na si Janaina Cardoso at Pakistani na si Imran Hussain.

Sa wedding souvenir pa lang kasi nila na iPad para sa 120 nilang mga bisita, alam na hindi basta-basta ang naganap na pag-iisang dibdib. May nakatatak sa likod nito ng pangalan ng kinasal at petsa ng seremonya nito.

Ayon sa Bazaar na siyang nagbahagi ng detalye ng kasalan, masasabing dream wedding daw ito na naganap sa isang seven-star hotel sa Burj Al Arab sa Dubai.

Ang mga magaganda at kakaibang bulaklak ay mula pa talaga sa Holland kung san matatagpuan ang pinakamagagandang bulaklak sa mundo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kilalang designer na si Elie Saab ang nagdisenyo ng eleganteng wedding gown ng bride. Binurdahan ng designer ang wedding gown ng petsa ng kasal kaya naman naging mas espesyal nito.

Tiffany & Co ang tatak ng engagement ring nila habang sa mismong kasalan naman, Cartier ang napili nilang brand.

Isa pa sa nakadagdag ng kasiyahan sa dream wedding na ito ay ang 80's rock band na Fortune na lumipad pa mula United Kingdom patungong Dubai.

Maaalalang una nang naibalaita ng KAMI na tinatayang nasa Dhs 7 million o nasa ₱97 million ang nagastos sa kasalang ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel